Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya
Ang Diyos ang Awtor ng Pamilya. Sa Genesis 1 at 2 makikita natin kung paano nilalang ng Diyos si Adan at si Eva at binasbasan ang kanilang pag-iisang dibdib (si Eva ay literal na galing sa tadyang ni Adan). Ang kanilang marching orders ay magpakarami at punuin ang sanlibutan. Nahulog man ang unang mag-asawa sa pagkakasala, hindi niya binawi ang Kaniyang basbas. Sa katotohanan, sa isang propesiya, isang binhi ni Eva ang tutubos sa kaniyang angkan at gagapi sa ahas. Dinisenyo Niya ang Kaniyang pamilya na panghabambuhay. Sa Kaniyang plano, magsasama ang lalaki at babae sa hirap at ginhawa, sa pag-ibig at pagpapasakop kung paanong iniibig ni Cristo at paano nagpapasakop ang Iglesia. Ito rin ang ligtas na lugar upang palakihin ang mga anak sa pagkatakot sa Diyos. Ang layon ng Diyos ay lumikha ng mga kawangis ng Kaniyang Anak at ang mga magulang ang ahente Niya sa pagsasakatuparan ng layong ito. Kaya sa tuwing pinababayaan natin ang pagpapalaki ng ating mga anak sa pagkatak...