Posts

Showing posts with the label Philippians

Bakit kailangang ibigin ang mga kapatid

Image
Filipos 2:2 Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan... mangagtaglay ng isa ring pagibig... Ang pag-ibig ang isa sa mga pangunahing tema ng Biblia, lalo na sa 1 Juan at 1 Cor 13. Tingnan natin kung bakit kailangan nating mahalin ang mga kapatid.  1. Upang manahan sa Liwanag, 1 Juan 2:10-11. Ang pananahan sa liwanag ay ang magkaroon ng pakikisama sa Panginoon, 1 Juan 1:5-7. 2. Ito ang mensahe mula sa pasimula, 1 Juan 3:11-12. 3. Upang ang ating posisyun ay maging realidad sa ating pang-araw-araw na buhay, 1 Juan 3:14. 4. Ito ay direktang utos ng Panginoon, 1 Juan 3:23; Juan 13:34-35. 5. Ang Diyos ay pag-ibig at ang Kaniyang mga anak ay dapat lumakad sa pag-ibig. Malungkot na marami Niyang anak ang lumalakad sa kadiliman, 1 Juan 4:7,8; 3:1. 6. Bilang layon ng pag-ibig ng Diyos, dapat din tayong umibig sa kapwa mananampalataya, 1 Juan 4:11. 7. Sapagkat ang Diyos ay nananahan sa atin, 1 Juan 4:12. Ang ating pag-ibig ang patotoo sa hindi nakikitang Diyos.  8. Ito ay patunay na umiibig t...

Pagkakaroon ng isang kaisipan

Image
Filipos 2:2 Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip; Sa Filipos 2:2, sinabi ni Pablo na ang mga Cristiano ay dapat mangagkaisa ng pag-iisip, magkaroon ng kapareho o iisang kaisipan. Lumalabas na may pagkakahati sa Filipos at sa Fil 4:2, sila ay pinangalanan.  Ito ay panawagan ng pagkakaisa sa gitna ng sitwasyong pinaghaharian ng pagkakahati.  Ang parehong mga pananalita ay makikita sa 1 Cor 1:10-13 kung saan ang pagkakabahabahagi ay umiikot sa mga personalidad. Sinabi ni Pablo na hindi ito nararapat dahil si Cristo ay hindi nababahagi o nahahati. Sa 2 Cor 13:11, pinayuhan niya ang mga taga-Corinto na "mangagpakasakdal kayo; mangaaliw kayo; mangagkaisa kayo ng pagiisip; mangabuhay kayo sa kapayapaan." Ang resulta ay "ang Dios ng pagibig at ng kapayapaan ay sasa inyo."  Bakit mahalaga ang pagkakaisa sa kapatiran. Ang dahilan ay ang ating pagkakaisa ...

Ang kaisipan ni Cristo

Image
Filipos 2:5 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman:6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. Matapos ni Pablong manawagan sa mga Cristianong magkaisa, na mangyayari lamang kung sila ay magkaroon ng pagpapakumbaba, nagbigay siya ng halimbawa ng kapakumbabaan. Ang kaniyang ibinigay na halimbawa ay walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo.  Popyular ang mga sitas na ito dahil sa tinatalakay dito ang katangian at kalikasan ng Panginoong Jesucristo. Ang sitas na ito ay malaman sa mga doktrina ng pagka-Diyos at preexistence ni Cristo, ang Kaniyang pagkatao at Hypostatic Union, ang Kaniyang kenosis at pagdepende sa Espiritu Santo sa K...

Ipalagay ng bawat isa ang iba na lalong mabuti kaysa kaniyang sarili

Image
Filipos 2:3 Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;4 Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba. Sa v3-4, magbibigay si Pablo ng karagdagang ekshortasyon base sa apat na realidad ng v1. Dito natin makikita ang problemang kinahaharap ng mga taga-Filipos. May mga Cristianong makasarili sa Filipos na nagiging dahilan ng pagkakahati. Ang solusyon niya ay ituring ang iba na mas maigi sa sarili. Hindi ikaw ang sentro ng simbahan, sa madaling salita.  "Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo." Anumang gagawin ng mga Cristiano ay dapat dahil sa pag-ibig at hindi dahil sa pagkakampikampi o kapalaluan. Ang "pagkakampikampi" ay ginamit din sa 1:17 upang ilarawan ang saloobin ng m...

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay

Image
  Sa kabanatang ito makikita natin ang ilang Personang dapat nating gawing modelo sa Cristianong pamumuhay. Makikita natin si Cristo sa v5-11; makikita natin si Pablo at Timoteo sa v19-24 at si Epaproditus at Pablo sa v25-30. Makikita rin natin dito ang panawagan ni Pablo ng pagkakaisa dahil ang simbahan sa Filipos ay may pagkakahati (tingnan sa Fil 4:2). Makikita rin natin dito ang sikat na pasahe sa Cristolohiya. Bilang bahagi ng panawagan ni Pablo ng pagkakaisa, ibinigay niyang halimbawa si Cristo ng kapakumbabaang susi sa pagkakaisa ng lahat. Ang lahat ng ito ay bahagi ng ekshortasyon ni Pablo sa 1:27 na ang mga taga-Filipos ay dapat lumakad nang karapatdapat sa evangelio.  Simulan natin sa panawagan ni Pablo ng pagkakaisa na magtatapos sa paglalagay kay Cristi bilang modelong dapat gayahin ng mga Cristiano.  Filipos 2:1 Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, kung m...

Paano daigin ang selosan sa ministri

Image
  Filipos 1:15 Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban. Ang selosan sa ministri ay madalas sa mga manggagawa ni Cristo. Ito ay pakiramdam ng pagkainggit at pagkainis na ang ibang ministro ay matagumpay, maimpluwensiya o malawak ang ministri. Ang selos na ito ay nakasasama sa indibidwal, sa simbahan at sa buong pamilya ng Diyos. Subalit sa biyaya ng Diyos, at sa kagustuhang daigin ito, magagapi ang selosang ito.  Kawikaan 14:30 Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto. I. Mga senyales ng pagseselos A. Pagkukumpara at kompetisyon, 2 Cor 10:12-16 B. Pagpuna at pagmamaliit sa iba, Roma 11:4; San 4:12 C. Pagkainggit sa pag-aari ng iba, Gawa 20:33-35 D. Natutuwa sa kabiguan ng iba, Kaw 24:17 II. Panganib ng pagseselos A.  Nakakahadlang ito sa personal na paglago espirituwal na pag-unlad, 1 Cor 3:3 B. Makasasama ito sa pakikipag-ugnayan sa ibang mang...

Manampalataya at Magtiis

Image
Filipos 1:29 Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:30 Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko. Ayon sa v28 hindi dapat matakot ang mga mananampalataya sa mga kaaway ng evangelio. Ang pag-aaway na ito ay tanda ng temporal na kapahamakan (eternal kung ang kaaway ay hindi mananampalataya) ng mga kaaway at temporal na kaligtasan ng mga Cristiano. Sa v29 sinabi ni Pablo na ito ay bahagi ng katawagan o kahalalan ng mga Cristiano.  Madalas kapag binabanggit ang kahalalan o katawagan o pagkahirang ng mga Cristiano, ang unang pumasok sa isipan ay pinili lamang ng Diyos kung sino ang papasok sa langit dahil trip trip lang Niya at ang iba ay hinayaan niyang mapa-impiyerno (o sa kaso ng double predestination, pinili sila ng Diyos na mapa-impiyerno). Ginagawa ito ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kan...

Paano panatilihing malusog ang pananampalataya

Image
  Filipos 1:21 Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang. Paano Natin Mapapanatiling Malusog ang Ating Pananampalataya? Mahalaga ang magkaroon ng matibay na pundasyon ang ating mga paniniwala sa pamamagitan ng regular na pagbabasa at pag-aaral ng Biblia.  1. Magtiwala sa Diyos at hindi sa sarili nating lakas, Kaw 3:5-6. Hindi natin laging nauunawaan ang nangyayari sa ating mga buhay, at kung tayo ay magtitiwala sa ating sariling lakas at pag-unawa, madali tayong manlulupaypay at panghihinaan ng loob na magpatuloy. Dapat nating ipagkatiwala sa Diyos ang ating buhay at maniwalang alam Niya ang Kaniyang ginagawa kahit hindi natin nauunawaan. 2. Ang pananampalataya ay hindi nakabase sa ating nauunawaan o nakikita kundi kumpiyansa at katiyakan sa pangako ng Diyos, Heb 11:1. Kahit ang mga sirkumstansiya ay nagsasabing lahat ay mahirap, kailangan nating panghawakan ang mga pangako ng Diyos na mas totoo kaysa ating sirkumstansiya. Ang sirkumstansi...

Sa aking ikaliligtas

Image
Filipos 1:18 Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at ako'y magagalak.19 Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan ng Espiritu ni Cristo,20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan. Ipinagpagpatuloy ni Pablo ang kaniyang pagtalakay ng update sa kaniyang kalagayan. Sa kabila ng negatibong sirkumstansiya na kaniyang kinahaharap, na siya ay nakukulong hindi dahil sa siya ay kriminal kundi dahil sa evangelio ni Cristo, at sa negatibong reaksiyon ng kapatiran dito, na ginamit ang pagkakataong ito upang bigyan siya ng karagdagang kapighatian, sabi ni Pablo, siya ay "nagag...

Ang attitude ng isang mangangaral

Image
Filipos 1:15 Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban:16 Ang isa'y gumagawa nito sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa pagsasanggalang ng evangelio;17 Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala.18 Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at ako'y magagalak. Sa v14, sinabi ni Pablo na natutuwa siya na ang kaniyang pagkabilanggo ay nagbigay ng tapang sa mga kapatid na salitain ang Salita ng Diyos. Sa madaling salita sa kanilang pang-araw-araw na kwentuhan, hindi nila ikinahihiya ang pagkabilanggo ni Pablo dahil alam nilang hindi siya kriminal kundi isang masipag na tagapangaral ng Salita ng Diyos. At mas naging matapang sila sa pag-apirma ng mensahe ni Pablo. Ngu...

Sa Ikasusulong ng Evangelio

Image
Filipos 1:12 Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio;13 Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa;14 At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios. Matapos ipanalangin ni Pablo ang mga taga-Filipos, handa na si Pablo na magbigay ng update tungkol sa kaniyang kalagayan.  12 "Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid,"- handa si Pablo na ipaalam ang ilang mahalagang impormasyon tungkol sa maniyang kalagayan. At ang impormasyong ito ay mabuting balita. Ito ay kakatwa dahil ang normal na reaksiyon sa pagkakukong ay itrato ito bilang masamang pangyayari, hindi positibong bagay.  "na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio"...

Christian Stewardship

Image
  Cristianong Pangangasiwa (Christian Stewardship) 1. Ano ang pangangasiwa? 1 Ped 4:10 2. Gaano kahalaga ang pangangasiwa? Lukas 12:48 3. Ano ang basehan sa pangangasiwa? A. Ang mandato ng Diyos, Gen 1:26-28 B. Ang Diyos ang May-ari ng lahat ng bagay, Awit 24:1 4. Ano ang iba't ibang lugal ng pangangasiwa? A. Oras, Ef 5:15-16 B. Kaloob, 1 Ped 4:10-11 C. Kayamanan, Filipos 4:15-19 D. Testimonyo, Mat 5:16 5. Mga Hamon sa Pangangasiwa A. Nanawagan ng sakripisyo, Marcos 12:41-44 B. Prioridad, Mateo 6:33-34; Mat 10:37 C. Labanan ang mga Tukso, 1 Tim 6:9-10 6. Mga Benepisyo ng Mabuting Pangangasiwa A. Pagpapala, Lukas 6:38 B. Kasiyahan, 2 Cor 9:7 C. Impact ng buhay, Mat 5:14-16 Binuong may ambag ang AI.  (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)

Financial Principles from the Bible

Image
  FINANCIAL PRINCIPLES FROM THE BIBLE 1. Ang Diyos ang May-ari ng lahat ng bagay. Awit 24:1; Ageo 2:8 2. Tayo ay mga katiwala at hindi May-ari. 1 Cor 4:2; Gen 1:28-30 3. Magbigay nang mabiyaya. Kaw 3:9-10; 2 Cor 9:6-8 4. Iwasan ang mangutang. Kaw 22:7; Roma 13:8 5. Maging masipag sa trabaho. 2 Tes 3:10-12; Kaw 10:4; Col 3:23-24 6. Makinig sa maka-Diyos na mga payo.  Kaw 11:4; 15:22 7. Bigyang prioridad ang pagtitipon ng kayamanan sa langit. Mat 6:19-21; 1 Tim 1:18-19 8. Magkaroon ng kakontentuhan. Fil 4:11-13; 1 Tes 6:6-8 9. Magtiwala sa probisyon ng Diyos. Mat 6:31-33; Fil 4:19 10. Magkaroon ng katapatan at integridad. Kaw 11:1; 13:11 Mahalagang matutunan natin ang mga prinsipyong ito at gawing bahagi ng ating mga buhay. Dahat tayong maging mga tapat na katiwala sa anumang binigay Niya sa atin. Binuong may ambag ang AI. (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. S...

Dapat Bang Bayaran ang mga Pastor at Guro sa Kanilang Ministri?

Image
  May ilang prinsipyo na dapat ikunsidera. Una sa LT, ipinag-utos ng Diyos na suportahan ang mga Levita at mga saserdote. Bilang 18:8-32, lalo na ang v24. Nang ang Panginoong Jesucristo ay lumakad dito sa lupa, may mga pagkakataong nagtuturo si Jesus na ginagastusan ng ibang tao, Lukas 10:8-9; Mat 10:8-10. Sa panahon ng simbahan (Church Age), ang Biblia ay nagtuturo ng parehong prinsipyo ng pagsuporta sa mga Cristianong manggagawa. 1 Tim 5:17-18 (ang buong 17-25 ay patungkol sa gawi ng mga matanda). Pinagsama nito ang Deut 25:4 at Lukas 10:7, na nagpapakitang sa ganito kaaga ang kanonisidad ng aklat ni Lukas ay kinilala na ni Pablo.  Dapat ding pag-usapang ang Gal 6:6 kung saan dapat makibahagi ng mabubuting bagay ang mga naturuan sa kanilang tagapagturo. At sa 1 Cor 9:9-14, kinilala ni Pablo na sila ni Barnabas ay may karapatan ng suporta ngunit hindi nila ginamit ang karapatang ito.  Sa Fil 4:15-19, sinuportahan ng mga taga-Filipos ang ministri ni Pablo. Ikumpara sa 2 C...

Kayo'y Nasa Aking Puso

Image
  Filipos 1:7 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.8 Sapagka't saksi ko ang Dios, kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa mahinahong habag ni Cristo Jesus. Malinaw na malapit kay Pablo ang mga taga-Filipos. Sinabi niyang ang mga ito raw ay nasa kaniyang puso. Ito ay nagpapakita ng pag-ibig mula sa pinakakaibuturan ni Pablo dahil ang puso ang pinakasentro ng tao, ang puso ay nagpapakita kung sino ka kung walang ibang nakatingin.  Ang pag-ibig ang langis na nagpapadulas ng makinarya ng espirituwal na buhay. Paano ipinakita ni Pablo ang kaniyang pag-ibig? 1. Siya ay nagdusa para sa kanila. Ef 3:1. Dahil sa pag-ibig at pagnanais na maipalaganap ang evangelio at ang misterio ng pananampalataya, siya ay naging bilanggo, hindi ng Roma kundi ni Jesucristo. Para sa kaniya...

Paano Maging Masaya

Image
  Filipos 1:21 Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang. Ang sikreto sa kasiyahan (18 beses na nabanggit sa epistula) ay ang pagkakaroon ng iisang kaisipan, kaisipang nakatuon kay Cristo, Fil 1:21. Ang kaisipang nakatuon kay Cristo ay nabubuhay para sa Kaniya at tinuturing na kapakinabangan ang mamatay kay Cristo.  Masaya si Pablo sa kabila ng kaniyang pinagdadaanan dahil ito ay nakapagpatibay ng pakikisama ng kapatiran sa evangelio (1:1-11) lalong nakasulong sa evangelio (1:12-26) at nag-iingat sa pananampalataya mg evangelio (1:27-30).  Gaya ng nasabi na, ang pakikisama ay isang mahalagang bahagi ng pagkakaroon ng iisang kaisipan kay Cristo. Ang nabubuhay at handang mamatay kay Cristo ay pinahahalagahan ang pakikisama sa Diyos at kapatiran (1:5; 2:1; 3:10; 4:15). Paano natin mailalarawan ang tunay na pakikisama?  1. Ang kapatiran ay laging nasa isipan (1:3-6) 2. Ang kapatiran ay nasa puso (1:7-8) 3. Ang kapatiran ay ipinapanal...

Panalangin ni Pablo para sa mga taga-Filipos

Image
  Filipos 1:9 At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;10 Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo;11 Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios. Sa Filipos 1:9-11 ibinigay ni Pablo ang kaniyang aktuwal na panalangin. Malaki ang matututunan natin sa panalanging ito.  "At ito'y idinadalangin ko"- ibinahagi ni Pablo ang laman ng kaniyang personal na panalangin. Madalas ang ating mga panalangin ay puno ng paghingi ng materyal na bagay. Ngunit ang panalangin ni Pablo ay patungkol sa mga matatawag nating espirituwal na bagay. "Na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala." Una niyang kahilingan ay ang kanilang pag-ibig ay mas lalong sumagana. Ang pag-ibig ...

Nasa Puso at Nananabik

Image
Filipos 1:7 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya. 8 Sapagka't saksi ko ang Dios, kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa mahinahong habag ni Cristo Jesus. Sa v7-8, ipinakita ni Pablo kung gaano kalapit ang relasyon niya sa mga taga-Filipos. Matuwid lamang, ayon kay Pablo na magpasalamat siya sa Diyos kapag naaalala niya ang mga taga-Filipos. Nang sinabi niyang "inyong lahat," wala siyang hindi isinama sa kaniyang panalangin at pasasalamat sa Diyos.  Bakit matuwid na magpasalamat siya sa Diyos? Sapagkat sila ay "nasa aking puso," puso ni Pablo. Ang puso ang pinakasentro ng isang tao, kung sino siya kapag walang ibang nakatingin maliban sa Diyos. Na ang mga taga-Filipos ay nasa kaniyang puso ay nagpapakita ng mataas niyang pananaw sa mga ito.  A...

Positional Truth

Image
  Filipos 1:1 Si Pablo at si Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nangasa Filipos, pati ng mga obispo at ng mga diakono: Nakaraan, pinag-usapan natin ang mga tumanggap ng sulat na ito. Nakita na natin ang mga obispo at diakono. Tingnan natin ngayon ang doktrina ng Katotohanang Posisyunal (Positional Truth). Ito ay nakikita sa pariralang KAY CRISTO JESUS.  Ang positional truths ay naglalarawan ng mga pagpapalang natanggap ko kay Cristo. Sa sandali ng pananampalataya, kinuha ng Espiritu Santo ang mananampalataya mula kay Adan papunta kay Cristo. Kay Cristo, taglay niya ang mga pagpapala ng biyaya. Narito ang ilan sa mga ito: https://faithequip.org/positional-truths-and-blessings-of-believers/ https://gbible.org/daily-message/importance-positional-truth-can-never-overstated/ https://www2.gracenotes.info/topics/union-with-christ.html Kay Cristo, nakibahagi tayo sa kung sino si Cristo. Babala, hindi ito nangangahulugang tayo ay naging D...

Mga Diakono

Image
  Filipos 1:1 Si Pablo at si Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nangasa Filipos, pati ng mga obispo at ng mga diakono: Nang huling blog sinilip natin ang mga obispo. Sa blog na ito tingnan naman natin ang mga diakono. Ang salitang diakono ay nangangahulugang naghihintay sa iba o tagapaglingkod. Ginagamit ito sa hindi teknikal na paglalarawan ng mga lingkod at sa teknikal na gamit patungkol sa mga lalaki at babaeng katuwang ng obispo sa pamamahala ng lokal na iglesia. Halimbawa ng hindi teknikal na gamit ay ang pagtawag ni Pablo sa kaniyang sarili bilang diakono ng evangelio sa Filipos 3:7. Ang teknikal na gamit ay ang ating pasahe sa Filipos 1:1.  Hindi tiyak kung kailan nagsimula ang pagtatakda ng mga diakono sa lokal na iglesia bilang mga katuwang sa pagpapatakbo nito pero marami ang naniniwalang ito ay nagsimula sa Gawa 6 bilang tugon sa nakikitang pagpapabaya sa araw-araw na diakonea ng mga pangangailangan ng mga balong manana...