Isang Pag-aaral sa Roma 10:9-13



Basahin ang mga teksto at sagutin ang mga tanong.


Roma 10:9 Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:

10 Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.

11 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya.

13 Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.


1. Muli ito ay parentitikal na tumatalakay sa relasyon ng mga Judio sa pag-ibig ng Diyos. Ano ang pagkakaiba ng "ikaliligtas" at ng "ikatutuwid" sa v10? Ang pagkakaibang ito ay susi sa pagkaunawa ng pasahe.

2. Ano ang kundisyon sa "ikatutuwid"? Ano ang kundisyon sa "ikaliligtas"?

3. Ano ang ginagampanang papel ng puso sa ikatutuwid at ng bibig sa ikaliligtas?

4. Ano ang pangako sa mga tumatawag sa pangalan ng Panginoon?

5. Basahin at unawain ang artikulong ito: https://deanbibleministries.org/file-downloads/download-file?path=Doctrines%252FBelieve_%2526_Confess.pdf


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama