Mangagmahalan kayo (Be devoted to one another)
Roma 12:10a Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo... Matapos ng labing isang kabanata ng pagbabahagi ng doktrina, sa kabanata 12 hanggang 16 ng Roma, nagbigay si Pablo ng mga aplikasyon ng doktrina. Ito ang pattern ni Pablo, magbibigay siya ng doktrina at pagkatapos ay aplikasyon. Ang salitang "mangagmahalan" o "be devoted" sa Ingles ay isang Hapax legomenon. Ang salitang ginamit ay Philostorge. Sinalin ito ng KJV bilang "be kindly affectionated" at ng BBE bilang "Be kind." Ang ideya ay pagmamahal sa kapwa, sa kapamilya gaya ng magulang o mga anak. Samakatuwid, dapat nating tratuhin ang bawat kapatid kay Cristo bilang kapamilya. Paano natin maipapakita ang debosyong ito na katulad ng pamilya? "Sa pag-ibig sa mga kapatid." Ang salitang ginamit ay Philadelphia na gaya nang inyong nalalaman ay pag-ibig sa kapatid. Tatratuhin ko ang bawat mananampalataya bilang aking kapatid. Ito ay salungat sa kaisipan ni Cain na nagtatanong, ...