Si Kristine at Generosidad

 

2 Corinto 8:3 Sapagka't ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang kaya, ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban,4 Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at sa pakikisama sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal:5 At ito, ay hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios.

Ang 2 Corinto 9:6-8 ay madalas gamitin upang ituro ang mga prinsipyo ng grace offering sa simbahan. Ngunit sa orihinal na konteksto ang 2 Corinto 8-9 ay patungkol sa koleksiyon para sa abuloy sa mga banal sa Jerusalem. 

Ang mga banal sa Jerusalem ay nakaranas ng matinding kahirapan dahil sa taggutom at pag-uusig. Dahil dito nakiusap si Pablo sa mga simbahang Gentil na mag-ambagan para sa pangangailangan ng mga banal sa Jerusalem. Ang kaniyang rason ay nakinabang ang mga Gentil sa mga espirituwal na pagpapala ng mga Judio, marapat lamang na magbahagi naman sila ng pagpapalang materyal. Ito ay prinsipyo ng pagkakapantay at ekwidad sa pagitan ng mga Judio at Gentil. 

Ngayong dumating si Kristine, isa na namang pagkakataon ang nagbukas upang ang mga kapatiran ay magbahagian ng mga tulong. Marami ang nasalanta, marami ang namatay, at hanggang ngayon marami pa rin ang lubog sa bahay, isolated at nangangailangan ng tulong. Ito ay pagkakataon upang magkaroon ng aplikasyon ang pag-iibigan sa kapatiran. 

Ito rin ay pagkakataon upang ipadama ang pag-ibig ng Diyos sa mga hindi mananampalataya. Madalas nating banggitin ang Juan 3:16 na nagbabanggit ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan ngunit madalas ang pag-ibig na ito ay hindi maramdaman ng iba. Ang bagyong Kristine ay oportunidad upang maibahagi sa mga hindi mananampalataya ang pag-ibig ng Diyos sa praktikal na paraan. Ang mga pagkain, damit, at iba pa ay praktikal na demonstrasyon ng pag-ibig ng Diyos. 

Hindi ko alam kung bakit hinayaan ng Diyos na bisitahin ni Kristine ang Pilipinas. Ang alam ko lang ay mapagmahal at matuwid ang Diyos. Ngunit isa itong pagkakataon upang maipadama sa iba, mananampalataya man o hindi, ang pag-ibig ng Diyos. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay