Isang Pag-aaral sa Roma 5:6-8
Basahin ang mga teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Roma 5:6 Sapagka't nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.
7 Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay.
8 Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.
1. Sa vs6-8 pinagpatuloy ni Pablo ang paglarawan sa mga pagpapalang tinamo ng mananampalataya kay Cristo, sa kanilang pagpasok at pagpapanatili sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa v6 inalala niya ang kagandahang-loob ng Diyos sa mga mananampalataya nang sila ay mahina pa. Ano ang ibig sabihin ng mahina sa sitas na ito? Pansinin ang "mahihina pa" at "mga masama."
2. Sa v7 pinakita niya kung gaano ka kalaki ang pag-ibig na mamatay para sa masama. Walang mangangahas mamatay para sa matuwid, may ilang handang mamatay para sa mabuti ngunit si Cristo ay namatay hindi para sa matuwid o mabuti kundi sa masama. Ano ang pinapakita nito sa kadakilaan ng pag-ibig ni Cristo para sa atin? Tingnan ang Efeso 5:2.
3. Ayon sa v8, paano pinakita ng Diyos ang pag-ibig sa atin? Ikumpara sa Juan 3:16.
4. Paano naging demonstrasyon ang kamatayan ni Cristo para sa mga makasalanang gaya natin? Ikumpara sa Juan 3:16 at 1 Juan 2:2.
5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang maranasan ang pag-ibig na ito ng Diyos?
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment