Isang Pag-aaral sa 1 Corinto 2:2
Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1 Corinto 2:2 Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus.
1. Ayon kay Pablo hindi siya nangaral na may kagalingan sa pananalita o karunungan. Bakit kaya hindi si Pablo nagpakitang gilas ng kaniyang mataas na pinag-aralan o husay sa retorika? Tingnan ang v3-5.
2. Anong aral ang makukuha natin mula sa polisiyang ito ni Pablo sa ating pangangaral?
3. Ano ang sentral na mensahe ni Pablo sa Corinto?
4. Ano ang kahalagahan ng krus ng Kalbaryo sa kaligtasan ng tao? Bakit hindi siya nangaral ng Kautusan o ng moralidad o ng pag-anib sa anumang relihiyon?
5. Ano ang dapat gawin ng mga taga-Corinto (at ng sinumang nagbabasa ngayon) kung gusto nilang mapakinabangan ang gawa ni Cristo sa krus? Tingnan ang Gawa 18:8 "nanampalataya sa Panginoon." Tingnan ang Juan 3:16 para sa pangako ni Cristo mismo sa mga sumampalataya sa Panginoon.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment