Posts

Showing posts with the label Rest

Ang kahalagahan ng pahinga, part 3

Image
  Ang kahalagahan ng pahinga, part 3 Yamang natalakay natin ang pangangailangan ng pahinga ng manggagawa ng Diyos, tingnan natin kung bakit ito mahalaga. Una sa lahat ang Diyos ang modelo ng pangangailangan ng pahinga. Sa unang kabanata ng Genesis, una nating nasumpungan ang Diyos bilang isang manggagawa. Matapos Niyang magawa ang lahat na dapat gawin, Siya ay nagpahinga, hindi dahil sa Siya ay pagod kundi dahil tapos na ang Kaniyanh gawain. Ito ay padrong dapat gawin ng mga ministro- kapag tapos na ang gawa, panahon na para magpahinga, pagod man o hindi. Ang pamamahinga ay bahagi ng natural na siklo ng pagtatrabaho: Trabaho-pahinga-trabaho-ulit.  Ikalawa, ito ay ginawa ng Diyos na bahagi ng Sampung Utos. Dahil sa maling pagkaunawa ng ikaapat na utos, ginawa ito ng relihiyon, magpalegalistang Judio man o legalistang Sangkakristiyanuhan bilang isang karagdagang "trabaho" sa pamamagitan ng pagkabit dito ng maraming pagsusundin. Nilinaw ni Jesus na ito ay nilikha para sa tao, ay...

Ang kahalagahan ng pahinga part 2

Image
  Ang kahalagahan ng pahinga part 2 2 Corinto 11:28 Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia. Basahin ang part 1 dito: https://www.facebook.com/share/p/Q9aRMggR66qhU4ie/?mibextid=oFDknk Dahil sa karagdagang kabalisahang dala ng pamamahala sa iglesia, mataas ang antas ng burnout at pag-ayaw sa ministri. May nabasa akong mga artikulong nagsasabing maraming ministro ang sumusuko sa gawain, hindi dahil sa kakulangan ng kakayahan o paghahanda sa pagtuturo at pamamahala, kundi dahil sa kakulangan ng nararamdamang suporta at empatiya. Marami ang sumusuko dahil sa kabila ng mga sakripisyo at pagpapagod (pisikal, mental, emosyonal at espirituwal), ang ilan nga ay naaapektuhan ang pinansiyal at pamilyal na obligasyon, marami ang hindi nakararamdam ng suporta, apresasyon at tulong sa ministri.  Ito ay nararamdaman lalo na sa mga maliliit na ministri kung saan ang ministro na ang tagapagturo, tagapaawit, manunugtog at d...

Ang kahalagahan ng pahinga

Image
  Ang kahalagahan ng pahinga Exodo 23:12 Anim na araw, na iyong gagawin ang iyong gawain, at sa ikapitong araw, ay magpapahinga ka: upang ang iyong baka at ang iyong asno ay makapagpahinga; at ang anak na lalake ng iyong aliping babae, at ang taga ibang lupa ay makapagpahinga. Kadalasan, eksayted ako sa Semana Santa. Kadalasan ito ay kasinkahulugan ng walang pasok at pahinga mula sa trabaho. Bagama't hindi kami sumusunod sa tradisyon ng kinagisnang relihiyon, ito ay isang nakatutulong na oras para magmuni at magnilay sa ginawa ni Cristo sa krus, sa Kaniyang pagkalibing at pagkabuhay na maguli. Panahon ito upang hamunin ang mga tao na tanungin at siyasatin ang Biblia: Bakit namatay si Jesus sa krus?  Ngunit ang linggong ito ay kakaiba. Sa halip na magbigay ng kapahingahan, ito ay isang linggo nang walang tigil na paggawa. Una sa lahat ito ay examination week kaya sa pagitan ng pagpapaexam, pagpapachek (salamat sa aking mga estudyanteng boluntaryo't sapilitang nagchek ng papel) ...

Nakakapagod Din, Okay Lang Magpahinga

Image
  Aminin na natin, nakakapagod mabuhay. Lalo kung Cristiano ka dahil ang iyong pamumuhay ay counter-intuitive sa iyong paligid. Iba ang iyong mga pagpapahalaga kaya ang tingin sa iyo ng mga tao sa paligid ay peculiar. Kakaiba. Hindi ka belong sa program dahil hindi ka marunong mag-inregrate at maki-accommodate.  Oo nakakapagod ang maraming obligasyon. Kabilaan, kaliwa at kanan. Family, extended family, church, work.... Lahat na, wala kang time para sa iyong sarili. Kahit bakante mong oras na wala kang ginagawa, iniisip mo pa rin ang kapakanan ng iba. Nagpaplano, naghahanda, nagme-mentor. Nakapapagod.  Nakapapagod ang hindi na-a-appreciate. Okay lang sana kung lack of appreciation lang. Hindi ka naman mamamatay kung walang magpasalamat sa iyo. Ang masaklap ay yung pinagpaguran mo ay kinikritika ng mga wala namang ambag, binago ng mga naki-ride on lang at sa huli iba pa ang kumuha ng credit. Nakakapagod talaga.  Nakakapagod yung palagay mo nag-iisa ka. Walang suporta. ...