Isang Pag-aaral sa Roma 5:1



Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 


Roma 5:1 Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.


1. Ayon sa teksto, paano raw inaring-matuwid o ganap ang tao? (Pansining hindi sinabi ng teksto na aariin pa lang o kasalukuyang inaaaring ganap, kundi inaring ganap na.)

2. Sa Roma 4, maingat na pinakita ni Pablo sa pagsipi kay Abraham at David na ang pag-aaring matuwid na ito ay walang kinalaman sa mga gawa o sa Kautusan. Ipaliwanag kunh bakit walang kinalaman ang pag-aaring matuwid sa mga gawa?

3. Ano ang resulta ng pag-aring matuwid na ito?

"Mayroon tayong k_________n sa Diyos"

4. Paano natin natamo ang kapayapaan sa Diyos? 

"Sapamamagitan ng ______________"

5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang ariing matuwid at magkaroon (hindi sinabing magkakaroon o baka magkaroon kundi MAYROON- pangkasalukuyang pag-aari) ng kapayapaan sa Diyos?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay