Isang Pag-aaral sa Roma 8:3
Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Roma 8:3 Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan.
1. Sa istriktong pananalita, ang tekstong ito ay patungkol sa sanctification ng mananampalataya (ang buong Romans 6-8 ay sanctification passage), ngunit may ilang punto rito na makatutulong upang maunawaan ng hindi mananampalataya kung bakit ang Kautusan ay hindi makapagliligtas. Una na rito ay, paano nilarawan ni Pablo ang Kautusan?
"Ito ay m-h--a."
2. Bakit daw mahina ang Kautusan? "Dahil sa l________n"
3. Ano raw ang hindi kayang gawin ng Kautusan?
4. Bakit ang Anak ay nag- anyong lamang salarin (sinful flesh)?
5. Kung ang Kautusan ay kayang magligtas, bakit kailangan pang mamatay ni Cristo sa krus? Tingnan ang Gal 2:21.
6. Marami ang nagtitiwalang ang tao ay maliligtas sa Kautusan. Ngunit kung ang Kautusan ah mahina dahil sa laman, hindi nito kayang magbigay ng buhay. Ayon sa Gal 2:16 kanino lang pala masusumpungan ang katuwiran?
7. Ano ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay at katuwiran ang isang tao?
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment