Isang Pag-aaral sa 1 Corinto 1:21



Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1 Corinto 1:21 Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.


1. Sa istriktong pananalita ito ay hindi tekstong evangelistiko kundi paliwanag sa katawagan ni Pablo na mangaral at hindi magbautismo. Hindi nangangahulugang hindi siya nagbautismo dahil sa kumparasyon nito sa Gawa 18, malinaw na binabautismuhan niya ang lahat ng nagsisampalataya. Sa katotohanan sa kabanatang ito may pinangalanan siyang personal na binautismuhan. Ayon kay Pablo ano raw ang kaugnayan ng salita ng krus sa kaligtasan at kapahamakan, (v18)?

2. Ano ang kaugnayan ng karunungan at kamangmangan sa pangangaral ng salita ng krus?

3. Ayon sa teksto, ano ang nakalulugod sa Diyos, ang pangangaral sa karunungan ng sanlibutang ito o ang pangangaral ng salita ng krus? Sa inyong palagay bakit tinuturing na kamangmangan ang pangangaral ng salita ng krus? 

4. Sino raw ang malugod na niligtas ng Diyos?

5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay maligtas?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay