Isang Pag-aaral sa Roma 9:30-32
Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Roma 9:30 Ano nga ang ating sasabihin? Na ang mga Gentil, na hindi nangagsisisunod sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, sa makatuwid baga'y ng katuwiran sa pananampalataya:
31 Datapuwa't ang Israel sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan.
32 Bakit? Sapagka't hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila'y nangatisod sa batong katitisuran;
1. Ang Roma 9-11 ay mga dispensational na kabanatang naglalarawan sa punto ni Pablo sa Roma 8:38-39 na walang anumang makapaghihiwalay sa pag-ibig ng Diyos. Dahil diyan sa istriktong pananalita hindi ito patungkol sa personal na kaligtasan pero may mga puntos tayong matututunan dito patungkol sa pagiging matuwid, lalo pa't karamihan ay asa sa mga gawa at sa Kautusan.
Ayon sa teksto, ang mga Gentil na hindi nagsisisunod sa katuwiran (ikumpara sa Roma 4:4-6) ay nakasumpong ng katuwiran. Paano nakasumpong ng katuwiran ang mga Gentil?
2. Samantalang ang mga Israelita na naghahanap ng katuwiran ay hindi raw nasumpungan ang katuwirang ito. Bakit hindi nila nasumpungan ang katuwirang kanilang hinahanap?
3. Paano napareho o naiba ang karanasan ng karamihan sa mga tao ngayong nagnanais itatag ang kanilang katuwiran sa pamamagitan ng mga gawa? Ikumpara sa Gal 2:16 at San 2:10.
4. Paano pala ang tamang paghahanap ng katuwiran kung hindi ito mahahanap sa pamamagitan ng mga gawa o ng Kautusan?
5. Ano ang nag-iisa kundisyon upang masumpungan ang katuwiran?
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment