Isang Pag-aaral sa Roma 7:4



Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Roma 7:4 Gayon din naman, mga kapatid ko, kayo'y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo'y makisama sa iba, sa makatuwid baga'y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo'y magsipagbunga sa Dios.


1. Sa katotohanan ay ang tekstong ito ay patungkol sa sanctification sa halip na justification. Ngunit may aral tayong mapupulot dito, una na ang katotohanang bangkarote ang Kautusan upang magbigay ng katuwiran at kabanalan. Ano raw ang relasyon ng Cristiano sa Kautusan?

2. Kung ang Kautusan ay hindi kayang makapagbigay ng kabanalan sa isang Cristiano bakit natin iniisip na kaya nitong pabanalin ang hindi Cristiano?

3. Paano raw namatay ang Cristiano sa Kautusan? Kung patay tayo sa Kautusan bakit natin pinapasailalim ang ating sarili rito para sa kaligtasan at para sa kabanalan?

4. Ang kamatayan sa Kautusan ay dahilan kung bakit tayo ay may pakikisama sa iba, si Cristo. Sa madaling salita, maaari bang magkaroon ng pakikisama kay Cristo ang sinumang masikap para sa Kautusan? Pansining ang nagpapatay kay Cristo ay hindi ang mga makasalanan at patutot kundi ang mga tagapagtanggol ng Kautusan. 

5. Ang pagbubunga para sa Diyos ay posible dahil tayo ay patay sa Kautusan at may pakikisama kay Cristo. Ano ang implikasyon nito sa papel na ginagampanan ng Kautusan para sa kaligtasan? Clue- hindi nakapagbibigay buhay ang Kautusan kundi kamatayan lamang.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay