Dinggin Mo ang Turo ng Iyong Ama

Kawikaan 1:8 Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina. Isang malaking tungkulin at pribilehiyo ang binigay ng Diyos sa mga ama. Nakalulungkot na ang tungkulin at pribilehiyong ito ay napababayaan. Sa isang banda ang sanlibutan ay minamaliit ang institusyon ng pagiging ama. Kinakapon ng sanlibutang ito ang pagiging ama sa pamamagitan ng pagmamaliit sa kapangyarihan nito. Sa mga kwento at pelikula madalas na ilarawan ang mga ama bilang iresponsable at pabaya, at ang mga ina ang sumasalo ng kakulangan. Maaaring totoo ito sa ilang pamilya ngunit sa patuloy na pagkakarikatura ng institusyon ng ama, nino-normalize nito ang kawalang kapanyarihan at puwang ng mga ama sa tahanan. Hindi nakapagtatakang ni hindi na tumataas ang ating mga kilay kapag nakakakita tayo ng mga tahanang walang haligi. Sinanay na tayong ito ay normal at dapat tanggapin na walang pagmumuni. Ang nakalulungkot ang emaskulasyon na ito ay naririnig na rin sa mga pulpit...