Kwalipikasyon ng Isang Matanda


Ang Iglesia ng Diyos ay dapat pamahalaan ng lalaki ng Diyos. Narito ang kanilang nga kwalipikasyon.

1 Timoteo 3:1 Tapat ang pasabi, Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa.

2 Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo;

3 Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi;

4 Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan;

5 (Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios?)

6 Hindi baguhan, baka siya kung magpalalo ay mahulog sa kaparusahan ng diablo.

7 Bukod dito'y dapat din namang siya'y magkaroon ng mabuting patotoo ng nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan at silo ng diablo.

Tito 1:6 Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail.
7 Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan;
8 Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;
9 Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang.


Sa inyong pagbasa sa mg ma kwalipikasyon, napansin ninyo ba kung ano ang hindi nabanggit?

1. Hindi kailangang magsuot ng espesyal o magarang damit upang maging pastor. 
2. Hindi required na magtapos mula sa isang semonaryo. Sa katotohanan, ang mga pastor nang unang panahon ay mula sa simbahan mismo. Kinilala nila sa kanilang gitna ang lalaking lumalago sa biyaya at may kakayahang magturo upang lumago rin ang iba. 
3. Hindi kailangang magaling sa retorika. Ang pagtataas at pagbababa ng boses, ang masining na pagpukpok ng pulpito, o ang mga hand gestures ay hindi required. Maaaring nakatutulong sila upang mabigyang diin ang sermon, pero hindi sila required.
4. Hindi required na maging miyembro ng asosasyon ng mga "pastor at Christian leaders." Maaating nakakatulong ang membership dito pero hindi required. 
5. Hindi required ang pagiging mabarkada at palakaibigan. Ito ay mga katangiang personal at hindi propesyonal. 
6. Hindi required ang pagkakaroon ng malakas na boses. 
7. Hindi required na maganda ang boses. 


Bago tayo magdagdag ng mga hindi required, siguruhin muna nating kaya nating i-meet ang aktuwal na hinihingi ng Kasulatan. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay