Ang personal na opinyon ay walang puwang sa pag-iinterpreta ng Kasulatan
Bilang ekspositor ng Kasulatan, ang ating trabaho ay alamin kung ano ang sinasabi ng Kasulatan. Dapat nating aralin ang tinatawag na authorial intent, o kung bakit sinulat ng awtor ng Kasulatan ang kaniyang sinulat. Karamihan ay binabasa ang Kasulatan na may layong alamin kung ano ang ibig nitong sabihin (aplikasyon) sa kanila.
Bilang mga ekspositor walang puwang ang ating mga opinyon sa mga bagay na direktang sinasabi ng Kasulatan. Hindi natin dapat pilipitin ang Kasulatan upang ireplek ang ating personal na opinyon. Maaaring may personal tayong opinyon sa isang bagay pero sikapin nating huwag itong makaapekto, gaano man kahirap, sa ating interpretasyon. Tandaan nating tayo ay nag-iinterpreta, hindi gumagawa ng sarili nating, Kasulatan.
Minsan dahil sa kawalan ng pagkaunawa ng historikal na konteksto, iniinterpreta natin ang Kasulatan sa liwanag ng ating sariling kultura sa ating kapanahunan. Dahil sa kultura natin ang mga lider ay ginagalang nang dahil sa pananamit o tinapusan, iniisip nating required sa isang ministro ang pananamit o tinapusan, sa kabila ng paulit-ulit na sabi ng Kasulatan na ang Diyos ay tumitingin hindi sa panlabas kundi sa panloob. Kung minsan nagiging creative tayo sa pagsuksok ng ating opinyon upang ma-circumvent ang direktang sabi ng Kasulatan. Ang Diyos ay nagbigay ng lahat ng bagay, totoo iyan, pero wala itong kinalaman sa pagtuturong required sa ministro ang magsuot ng magandang damit.
Hindi madadaan sa lakas ng boses o teknik ng retorika ang pag-iinterpreta ng Kasulatan. Accuracy, hindi retorika, ang batayan sa pag-iinterpreta. Walang puwang ang personal na opinyon sa pagtuturo ng Kasulatan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment