Posts

Showing posts with the label Memorizing Scriptures

Memorizing Scriptures: 2 Pedro 3:18

Image
2 Pedro 3:18 Datapuwa't magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa. 2 Peter 3:18 [18]but grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ. To Him be the glory, both now and to the day of eternity. Amen. Matapos ang tatlong kabanata kung saan tinuro ni Pedro ang kahalagahan ng paglago espirituwal sa Salita ng Diyos (kabanata isa), babala laban sa mga huwad na guro (kabanata ikalawa) at paalalang kumapit sa mga aral ng mga apostol lalo't may mga manunuyang lilitaw sa huling araw na ang kapahamakan ay sigurado (kabanata ikatlo), mula v14-18, nagbigay si Pedro ng mga panghuling utos. Kabilang na dito ang babala laban sa mga taong binabaluktot ang mga mahirap unawaing aral ni Pablo na magreresulta sa kanilang kapahamakan.  Sa v17 sinabi niyang ang kaniyang mambabasa ay dapat maging mapagbantay laban sa mga huwad na gurong ito. Sa halip sila ...

Memorizing Scriptures: Lukas 2:30

Image
Lukas 2:30 Sapagka't nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas. Luke 2:30 [30]For my eyes have seen Your salvation. Dahil tapos na ang series sa Pride Month, magsisimula naman ako ng bagong series. Sa pagkakataong ito, ibabahagi ko ang mga memory verses na ginagamit namin sa Dahat Prep School. Filipino (Ang Biblia) ang aming wikang ginagamit pero sa blog na ito, gagamitin natin pareho ang Ang Biblia at New American Standard Bible. Ang mga ito ang paborito kong versions ng Biblia. Kung gusto ninyong gumamit ng ibang versions, okay lang. Ang mahalaga, madagdagan ang ating mga saulong bersikulo sapagkat, Awit 119:11 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo. Ang ating memory verse ay bahagi ng pahayag ni Simeon na nilarawan bilang "isang lalake sa Jerusalem", "matuwid at masipag sa kabanalan, na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo." Nangako ang Espiritu sa kaniya na hindi siya ...