Isang Pag-aaral sa Roma 10:4



Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Roma 10:4 Sapagka't si Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa't sumasampalataya.


1. Muli ang Roma 9-11 ay parentitikal, patungkol sa relasyon ng Israel sa pag-ibig ng Diyos. Ngunit muli, kukuha tayo ng ilang prinsipyo patungkol sa katuwiran at Kautusan. Ayon sa Roma 10:3, ilang uri ng katuwiran ang nabanggit ta talakayin.

2. Sa tuwing ang tao ay hindi nagpapasakop sa katuwiran ng Diyos, kaninong katuwiran ang kanilang tinatatag?

3. Ayon sa v4 sino ang katapusan (o ang kinauuwian) ng Kautusan? Kung si Cristo ang katapusan ng Kautusan, bakit marami pa ring nag-aakalang makatutuwid ang Kautusan?

4. Paano pala nagiging matuwid ang tao?

5. Ikumpara ang katuwirang ito sa katuwiran dahil sa Kautusan. Ayon sa Roma 10, alin ang katuwiran ng Diyos at alin ang sariling katuwiran? Bakit ang katuwiran dahil sa Kautusan hindi katuwiran ng Diyos? (Hint: sinasawalang tabi nito ang gawa ni Cristo, Gal 2:21)


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama