Posts

Showing posts with the label Ecclesiastes

Mga Konklusyon ng Hari, Part 2

Image
  Ecclesiastes 2:24 Walang maigi sa tao kundi ang kumain at uminom, at pagalaking mabuti ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang gawa. Ito man ay aking nakita na mula sa kamay ng Dios.25 Sapagka't sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakang higit kay sa akin?26 Sapagka't ang tao na kinaluluguran niya, binibigyan ng Dios ng karunungan, at kaalaman, at kagalakan: nguni't ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam, na magpisan at magbunton, upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. Dahil sa realidad ng kamatayan, napagtanto ni Solomon na walang kabuluhan ang buhay. Hatid lamang nito ay kalungkutan, sama ng loob at puyat pag gabi. Pagdating ng kamatayan, iiwan mo ang lahat ng mga ito sa kamay ng ibang tao na hindi man lamang naghirap para rito. Ang masaklap pa ay maaring ang taong ito ay mangmang at hindi maimis sa mga bagay. Ang pinaghirapan mo nang buong buhay ay maiwawala sa isang saglit lamang.  Ganiyan ang n...

Mga Konklusyon ng Hari

Image
  Sa nakaraang blog sa Ecclesiastes, nakita natin kung paano hinanap ni Solomon ang kasiyahan mula sa iba't ibang dako. Hinanap niya ito sa pagbibigay sa kaniyang sarili ng anumang kasiyahan, sa alka, sa mga proyektong imprastraktura, sa pagplantito, sa pagtitipon ng mga alipin, mga hayop, ginto at pilak, mga musikero at maraming babae. Ngunit nasumpungan niyang wala isa man sa mga ito ang nagbibigay ng kasiyahan at kabuluhan sa buhay.  Nadiskubre ni Solomon ang mapait na katotohanan (2:11-26): 1. Lahat ng bagay hiwalay sa Diyos ay walang kabuluhan (2:11). 2. Lahat ay mamamatay (2:12-16). 3. Iiwan niya ang kaniyang pinagpagalan sa iba na maaaring waldasin lang ito sa kamangmangan (2:12-16). Isa-isahin natin.  2:11 Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat ng mga gawa, na ginawa ng aking mga kamay, at ang gawain na aking pinagsikapang gawin; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at walang pakinabang sa ilalim ng araw. Matapos matipon ni Solomon ang lahat ni...

Asan ka Ligaya?

Image
  Sa Kabanata 2, sinubukan ni Solomong hanapin ang ligaya sa iba't ibang lugar. Ngunit gaya ng asong himnahabol ang kaniyang sariling buntot hindi niya ito maabutan kahit paikot-ikot na siya. Ito ang kwento ng maraming tao na naghahanap ng kaligayahan sa lahat ng maling dako.  Bilang hari, kayang kaya ni Solomong pondohan ang kaniyang paghahanap ng ligaya. Kahit ano, kahit gaano kamahal, ang mahalaga ay masumpungan ang inaasam na ligaya.  Ecc 2:1 Sinabi ko sa aking puso: Pumarito ka ngayon, Susubukin kitang may kasayahan; kaya't magsawa ka sa kalayawan: at narito, ito rin ay walang kabuluhan. Ang unang sinubukan ni Solomon ay kalayawan. Ibinigay niya sa sarili ang lahat ng kalayawang kaniyang masusumpungan. Ang gastos ay hindi problema, ang langit ang limitasyon. Kung mayroon mang orihinal na YOLO at FOMO, si Solomon na iyon. Ngunit ang kaniyang nadiskubre ay isang kaululan ang pagtawa at ni hindi niya alam kung ano ang sadya ng kasiyahan, samakatuwid, ang kasiyahan ay pa...

Sinubukan ni Solomong Hanapin ang Kahulugan ng Buhay

Image
  Ecclesiastes 1:13 At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat na nagawa sa silong ng langit: mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao, upang pagsanayan. 14 Aking nakita ang lahat na gawa, na nagawa sa ilalim ng araw; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. Sa pasimula pa lang hinayag na ni Solomon ang konklusyon ng kaniyang pagsisiyasat.  Ecclesiastes 1:2 Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan. 3 Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa, na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw? Sa aklat na ito isusulat niya kung paano niya sinubukang hanapin ang kasiyahan sa buhay na ito. At ang kaniyang konklusyon ay walang kabuluhan ang anumang bagay sa ilalim ng araw. Maaalalang ang pariralang "ilalim ng araw" ay ginamit ng 29 beses upang ilarawan ang pamumuhay na ang kaisipan ay nas...

Sino ang Sumulat ng Ecclesiastes?

Image
  Ecclesiastes 1:1 Ang mga salita ng Mangangaral, na anak ni David, hari sa Jerusalem. Sino ang sumulat ng Ecclesiastes? Ang aklat ay nagsimula sa pagpapakilala sa Mangangaral, ang Qoheleth, isang nagtitipon ng mga tao sa layuning magbahagi ng impormasyon, isang mangangaral, isang guro o isang debatista. Sa Griyego, sinalin ito na Ekklesiastes na siyang pinagmulan ng ating titulo sa Ingles at sa Filipino.  Pinakilala si Qoheleth bilang anak ni David at hari sa Jerusalem. Bagama't ang salitang anak ay maaaring gamitin sa lahi o kamag-anakan, mas maiging unawain ito bilang aktuwal na anak ni David at sa mga anak ni David, si Solomon ang pinakamalapit sa paglalarawang binigay sa aklat. Sa madaling salita, bagama't hindi direktang binanggit sa aklat, marami ang naniniwalang si Solomon ang may-akda ng Ecclesiastes. Marami ang tumututol na ang kakaibang Hebreo ng aklat ay indikasyong hindi si Solomon ang sumulat nito, at marahil ay nasulat sa panahon ng mga Perseo at naging Griyego....

Ecclesiastes

Image
Ang Ecclesiastes ang aking pinakapaboritong aklat. Weird marahil dahil bilang isang dispensationalista, marahil iniisip ninyo pinakapaborito ko ang Efeso a kahit alin sa mga epistula ni Pablo. Bagama't sa mga epistula ni Pablo masusumpungan ang pinakadetalyadong eksposisyon ng kakaibang espirituwal na buhay ng mga Cristiano, ang Ecclesiastes ang pinakamalapit sa aking puso. Marahil dahil ako ay produkto ng modernong panahon at ang Ecclesiastes ay nagkukwento ng kawalang buluhan ng buhay hiwalay sa Diyos, na pangunahing katangian ng modernong panahon. Sa pag-aaral ng aklat na ito, makikita natin ang kahalagahan ng pagtamo ng dibinong pananaw (Divine Viewpoint, DVP) na makikita sa mga epistula ni Pablo.  Isinasalaysay ng Ecclesiastes kung ano ang mangyayari sa taong "naglagak ng kanilang isipan sa mga bagay na nasa lupa," Col 3:2. Na kay Solomon na ang lahat, ngunit hindi siya masiya. Sinikap hanapin ni Solomon ang sikreto ng kasiyahan ngunit hindi niya ito mahanap. Nang su...

Walang Kabuluhan

Image
Sa aklat ng Ecclesiastes, tinalakay ni Solomon ang kawalang kabuluhan ng pamumuhay ng tao sa ilalim ng araw. Ito ay repleksiyon ni Solomon kung paano ang isang taong hiwalay sa Diyos (mapa-mananampalataya man o hindi) ay hindi makasusumpong ng kasiyahan sa buhay. Sa aklat na ito ginamit niya ang "walang kabuluhan" nang 38 ulit sa Ecc 1:2,14; 2:11,15,19,21,23,26; 3:19; 4:7,8,16; 5:10,11; 6:2; 12:8. Nagpapakita ito na walang kahulugan sa buhay na ito kung ikaw ay namumuhay sa ilalim ng araw o namumuhay nang hiwalay sa Diyos (tingnan ang Col 3:1-4 kung saan ang mga Cristiano'y tinawagang ilagak ang isipan sa mga bagay na nasa itaas, hindi sa lupa, samakatuwid hindi sa ilalim ng araw). Ang mga salitang sa ilalim ng araw ay binanggit ng 29 na ulit sa Ecc 1:3,9,14; 2:11,17,18,19,20,22; 3:16; 4:1,3,7,15; 5:13,18; 6:1,12; 8:9,15,17; 9:3,6,9,11,13; 10:5. Ang kaparehong pariralang "sa ilalim ng langit" ay ginamit sa Ecc 1:13; 2:3; 3:1.  Isa pang pangunahing tema ng aklat ...