Posts

Pagkaing nagbibigay ng buhay na walang hanggan

Image
  Sa Evangelio ni Juan, madalas gamitin ni Jesus ang pagkain at pag-inom bilang metapora ng pananampalataya. Hindi ito tungkol sa pisikal na pagkain, kundi sa pananampalataya sa Kaniya bilang pinagmumulan ng buhay na walang hanggan. Ang pananampalataya kay Jesus ay inilalarawan bilang pinakamalapit at pinakapangailangan na gawain ng pagtanggap sa Kaniya, tulad ng pagtanggap natin ng pagkain sa ating katawan. Sa Juan 6, matapos pakainin ang 5,000, sinundan si Jesus ng mga tao para humanap ng tinapay. Sinabi Niya sa kanila: “Huwag kayong magtrabaho para sa pagkaing nasisira, kundi para sa pagkaing nananatili at nagbibigay ng buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao.” At nilinaw Niya ang metapora: “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.” Ang “lumalapit” kay Jesus at ang “sumasampalataya” sa Kanya ay inilagay nang magkatabi sa pagkauhaw at pagkagutom na masusupil. ...

Tara eat!

Image
  Sa Biblia, ang pagsasalo sa pagkain ay hindi lang tungkol sa pagkain. Mula Genesis hanggang Pahayag, ang sabayang pagkain ay nagsisilbing palatandaan ng relasyon, pagtanggap, at tipan. Sa kabilang banda, ang pagtangging kumain nang magkasama ay nagiging tanda ng paghihiwalay, paghatol, at sirang pagsasamahan. Kaya ang pagkain at hindi pagkain ay makapangyarihang metapora para sa pagsasamahan at paghihiwalay sa buhay Cristiano. Ang Pagsasalo sa Pagkain ay Sumasagisag sa Pagtanggap at Tipan Sa sinaunang Gitnang Silangan, ang pagsasalo sa pagkain ay nangangahulugan ng pagpasok sa isang ugnayang may kapayapaan at pagtitiwala. Ang kumain kasama ang isang tao ay parang sinasabi, “Malugod kang tinatanggap dito; hindi tayo magkaaway.” Itinatag mismo ng Diyos ang ganitong kalakaran. Sa Exodo 24:9-11, matapos gawin ang tipan sa Sinai, nakita nina Moises, Aaron, Nadab, Abihu, at ng mga matatanda ang Diyos, “at sila’y kumain at uminom.” Ang salo-salo ay nagpapatunay na naitatag na ang pakiki...

May mga taong mahirap kausapin

Image
  May mga taong mahirap kausapin hindi dahil mahina sila magpaliwanag kundi dahil hindi sila nakikinig. Mas interesado silang marinig ang sarili nilang boses kaysa sinserong makipag-usap. Hindi nila magawang manahimik upang pagnilayan ang sinasabi ng kausap; madalas bago pa maunawaan ang isyu, may hatol na agad.  Ang resulta ay kawalan ng malalim na pagkakaunawaan at maayos na pakikipagtalastasan.  Kailangan nating matutunan ang arte ng pananahimik. Mayroon tayong dalawang tainga at isang bibig dahil mas kailangan nating makinig kaysa magsalita.  Para sa karamihan, ang pananahimik ay hindi komportable. Mas mabilis magsalita kaysa mag-isip. Nawawala ang agham ng pagninilay at pagtitimbang; sa harap ng mundong perpormatibo, ang layon ay hindi umunawa kundi magbigay ng impresyon.  Ang resulta ay mababaw na ugnayang agad napuputol kapag nakakuha ng bagong fans.  Matuto tayong makinig bago magsalita. May mga bagay na hindi dapat sagutin at may mga panahong mas m...

Isang pribilehiyo

Image
  Hindi madali ang maging magulang. Lalo kung ikaw ay breadwinner at maraming umaagaw sa iyong atensiyon. May mga bagay na gusto mong gawin ngunit kailangan mong isakripisyo. May mga bagay na ayaw mo gawin pero ginagawa mo dahil mahal mo ang iyong mga anak.  Isang malaking responsabilidad ang pagiging magulang at hindi lahat ay handa para rito.  Ngunit ito ay isa ring pribilehiyo. Oo mahirap pero ito ay isang pakikimanggagawa sa Diyos sa paghubog ng isang bata sa larawan ni Cristo.  Nais ng Diyos na gawing kawangis ni Cristo ang Kaniyang mga anak, at tayong mga Cristianong magulang ay may malaking papel rito.  Ang nag-iisang kundisyon upang maging anak ng Diyos ay pananampalataya kay Cristo, Juan 1:12. Ang sinumang manampalataya ay mayroong buhay na wala hanggan at hindi mapapahamak, Juan 3:16; Gawa 16:31. Sila ay mga anak ng Diyos, Gal 3:26.  At upang ang mga anak na ito ay lumago sa maturidad kay Cristo, hindi sapat ang turo ng pastor sa simbahan. Isa o d...

Storage Full

Image
  May email akong hinihintay ngunit hindi pumapasok. Ang dahilan ay full storage na. Upang makapasok ang email, kailangan kong mag-delete ng ilang emails at ilang larawan.  Ang cellphone na full storage ay bumabagal. Ang ibang apps nga ay maaaring hindi na gumana.  Kung gusto mong maging episiyente ang iyong phones, mabuting regular itong linisin sa pamamagitan ng pag-alis ng hindi kailangang larawan, videos o apps.  Nakikita ko rito ang isang analohiya sa ating espirituwal na buhay. Maraming espirituwal na buhay ang hindi episyente sa pagluwalhati sa Diyos dahil ang mga buhay na ito ay full storage.  Punong puno ang buhay ng maraming bagay maliban sa mga bagay ng Diyos.  Abala sa paghahanap ng pera, abala sa karera, abala sa bisyo, abala sa mga kaibigan... maraming kaabalahan ang isang Cristiano anupat napapabayaan ang espirituwal na buhay.  Walang time magbasa ng Bible, walang time manalangin, walang time magsimba, walang time maglingkod... Weird dah...

Anong humahadlang sa iyong manampalataya kay Cristo?

Image
  Namatay si Cristo sa isang dahilan- namatay Siya upang bayaran ang ating mga kasalanan. Sa Kaniyang kamatayan sa krus, inalis Niya ang hadlang ng kasalanan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Kahit sinuman ay maaaring lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Bakit pananampalataya lamang ang kailangan upang makalapit sa Diyos? Ito ay dahil si Cristo ang gumawa at tumapos ng ating kaligtasan sa krus. Wala tayong maidaragdag sa Kaniyang gawa.  Dahil Siya lamang ang mag-isang gumawa ng kaligtasan, ang tanging magagawa na lamang natin ay tanggapin ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Hindi matatamo ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti o pag-anib sa relihiyon. Matatamo lamang ito sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.  Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo para rito, Juan 3:16; Gawa 16:31. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayro...

Anak ng Diyos

Image
  Juan 1:12 Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Kung regular kang nagbabasa ng aking blogs, alam ninyong isang linggo kaming nagbakasyon sa Manila upang bisitahin ang aming anak na panganay.  Sa sinumang magulang, ang anak ang pinakamahalaga.  Isang malaking pribilehiyong maging anak ng Diyos.  Ang nag-iisang kundisyon upang maging anak ng Diyos ay manampalataya kay Cristo, Juan 1:12; 3:16; Gawa 16:31. Dahil ang Diyos ay may buhay na walang hanggan, kailangan ng tao ng buhay na walang hanggan upang mamuhay kasama ng Diyos bilang Kaniyang anak.  Hindi matatamo ang pagiging anak ng Diyos sa pamamagitan ng pisikal na dugo o pag-anib sa relihiyon. Ang pagiging anak ng Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kaniyang Anak.  Ang Anak ng Diyos ang gumawa ng kaligtasan sa krus. Namatay Siya sa krus upang alisin a...

Lakad tayo

Image
  Ngayon lang ulit kaming naglakad ni Misis sa sentro. Bagamat naglakad kami araw-araw sa Manila, iba pa rin ang naglalakad sa probinsiya.  Ang buhay Cristiano ay madalas ilarawan sa Biblia bilang isang lakad. Hindi ito aksidente. Ang paglalakad ay simpleng kilos, ginagawa araw-araw, at nangangailangan ng patuloy na paggalaw. Ganoon din ang pananampalataya- hindi ito isang sandaling karanasan lamang, kundi isang buhay na patuloy na isinasabuhay. 1. Ang Paglalakad ay Nagsisimula sa Isang Hakbang ng Pananampalataya. Walang makalalakad kung hindi magsisimula. Sa espiritwal na buhay, ang unang hakbang ay ang pananampalataya kay Cristo, Ef 2:8-9; Juan 3:16; Gawa 16:31. Hindi ito paglalakad na nakasalalay sa sariling lakas, kundi pagtugon sa panawagan ng Diyos. Tulad ng isang batang natutong maglakad, nadadapa sa simula, ngunit tinutulungan ng Ama upang makatayo muli. 2. Ang Paglalakad ay Nangangailangan ng Direksyon. Ang isang taong naglalakad nang walang direksyon ay maliligaw. Ka...

Nakakainggit ang malalaking simbahan

Image
  Aaminin kong nakakainggit makakita ng malalaking simbahan. Sa Facebook man o harapang nakikita, nasasabi ko sa sarili, "Sanaol. Sana malaki rin kami." Maliit ang aming grupo. Minsan ang mga mukhang makikita sa isang tipikal na Linggo ay ang parehong mukhang makikita sa kahit anong Linggo.  Kailangan kong paalalahanan ang aking sarili. Ang layon ng simbahan ay hindi ang magtipon ng miyembro (pero sana dumami rin kami) kundi ang ibahagi ang Salita ng buhay sa mga hindi mananampalataya; at sa mga mananampalataya naman, ibahagi ang mga doktrina ng biyaya sa kanilang ilalago sa maturidad kay Cristo.  Ang isa sa mga layon ng simbahan ay ibahagi ang katotohanang si Cristo ay namatay upang bayaran, maging pampalubag-loob, ang mga kasalanan. Inalis ng kamatayan ni Cristo ang kasalanan bilang hadlang sa pagitan ng Diyos at ng tao. Ang sinuman ay maaaring makalapit sa Diyos, gaano man kalaki ang kaniyang kasalanan, kung handa siyang sundin ang nag-iisang kundisyon ng Diyos.  ...

Pagkatapos ng Bakasyon, Balik na Naman sa Realidad ng Buhay

Image
  Isang linggong hindi ako nakasulat ng blogs. Kung followers ko kayo sa blog na ito o sa Facebook, alam ninyong isang linggo kami sa Manila upang bisitahin at ipagdiwang ang kaarawan ng aking panganay na anak.  Ang bakasyon ay parang maikling hininga sa gitna ng mahabang takbo ng buhay. Ilang araw lang tayong lumayo sa trabaho, sa ingay, sa mga deadline. Nakatikim tayo ng tahimik na umaga, ng tawanan kasama ang pamilya, ng pahinga na tila wala nang bukas. Pero dumating din ang araw na kailangang itiklop ang maleta, isara ang pinto ng pahingahan, at bumalik sa opisina, sa paaralan, sa mga gawaing naghihintay.  Gaano man kasaya ang bakasyon, ito ang katotohanan: Pagkatapos ng bakasyon, balik na naman sa realidad ng buhay. Balik na naman sa araw-araw na pakikibaka at araw-araw na pakikipagsapalaran.  Hindi masama ang makaramdam ng bigat sa pagbabalik. Nangangahulugan itong buhay tayo, na may mga responsibilidad na naghihintay, mga taong umaasa, at mga pangarap na kaila...