Dalawa ay maigi kaysa isa
Ecclesiastes 4:9 Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa.10 Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya. Sa nakaraang sitas, binigay ni Solomon ang halimbawa ng isang lalaking nag-iisa sa buhay ngunit walang tigil sa paggawa. Sa mga sitas na ito, ipakikita ni Solomon kung bakit hindi maganda ang pag-iisa at mas maganda pa rin ang may kasama kahit medyo may kakulangan. "Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa." Sa halip na nag-iisa (v8), ayon kay Solomon mas maigi ang dalawa. Ang unang dahilan ay may mabuting kagantihan o may bentahe sa kanilang gawa. Mas maraming nagagawa ang dalawa kaysa isa. "Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama." Isang bentahe ay may makatutulong ka sa gawa. May aalalay