Isang pag-aaral sa Juan 3:16



Juan 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17 Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.

1. Sino ang umiibig o sumisinta sa Juan 3:16?
2. Sino ang iniibig o sinisinta sa Juan 3:16?
3. Paano pinakita ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa sanlibutan? Ikumpara at basahin ang Roma 5:8; paano raw pinakita ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa mga makasalanan?
4. Ayon sa Juan 3:16 ano raw ang pangako ng Diyos sa lahat ng sumasampalataya sa Anak?
5. Ano ang ipinangako ng Diyos sa lahat ng sumasampalataya kay Jesus?
Negatibong pangako: hindi ___________
Positibong pangako: mayroong ____________

Salamat.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama