Maling gamit ng mga sitas, part 2

 


Sa Filipos 4:10-20 masusumpungan ang pinansiyal na turo ni Pablo. Sa v10-13, makikita natin ang sikreto ng kakuntentuhan. Dito rin natin makikita kung paano laging inaabuso ang Filipos 4:13. Sa v14-20, makikita natin kung paano pinagpapala ng Diyos ang mga generosong tagaabuloy. Dito natin makikita ang ikalawang sitas na madalas abusuhin- ang Filipos 4:19. 

Ilang Cristiano ang inaangkin ang Filipos 4:19 na hindi tinitingnan ang konteksto. Marami ang inaangkin ito sa paraang name it and claim it ng prosperity gospel. Umano'y pupunan ng Diyos ang lahat ng kailangan ng Cristiano dahil mayaman ang Diyos. Totoong nangako ang Diyos na tutugunan ang pangangailangan ng mananampalataya, hindi ba't kahit masamang magulang ay nagbibigay ng mabubuting bagay sa mga anak? Sino ang magbibigay ng bato at ahas sa anak na humihingi ng tinapay at isda? Ngunit hindi ang tekstong ito.

Kung titingnan ang teksto, ang epistula sa Filipos ay sinulat bilang liham ng pagpapasalamat sa makatlong beses na tulong pinansiyal ng mga Filipos kay Pablo- makalawang beses sa Tesalonica at minsan sa Roma na dala ni Epafrodito. Dahil sa kanilang magenerosong pag-aabuloy, sinabi ni Pablong papalitan ("pupunan") ng Diyos ang anumang kanilang binigay mula sa kayamanan ng Diyos ayon sa Kaniyang biyaya. Sinasabi ni Pablo na dahil sila ay mabiyaya sa pagbibigay, ang Diyos sa biyaya ay ibabalik ang kanilang binigay. Hindi ito tumutukoy sa name it and claim it kundi pagkilala sa prinsipyong ang mapagkakatiwalaan sa kaunti ay pagkakatiwalaan nang higit pa upang hindi magkulang sa lahat ng mabuting gawa. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay