Ang pananaghili ay walang kabuluhan


Ecclesiastes 4:4 Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

Ang opresyon at ang kasamaang nakikita ni Solomon ang nagtulak sa kaniya para sabihing mabuti pa ang mga patay at ang mga hindi ipinanganak kaysa mga nabubuhay dahil hindi nila nakikita ang kasamaang nararanasan pa ng mga buhay. Isa na sa kasamaang ito ay ang pananaghili ng kapwa. 

"Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa." Isang kasamaang nakita ni Solomon ay ang pananaghili ng kapwa dahil sa mainam na gawa ng isang tao. Marahil naging matagumpay ang isang tao sa negosyo at nakapagpundar ng mga pag-aari. Ang resulta nito ay hindi katahimikan dahil ang tagumpay na ito ay nagtulak sa kapwa upang managhili. O anong kayang gawin ng taong ang puso ay kinakain ng pagkainggit. Nakikipagkompetensiya ang kapwa at dahil dito hindi ma-enjoy ng tao ang kaniyang pinagpagalan. Marahil sinasabotahe siya ng kapwa, sinisiraan o hindi pinapansin. Paano ka makapagsasaya kung ang iyong tawa ay ikinamamatay ng kapitbahay na naiinggit?

"Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala." Iisa lang ang konklusyon ni Solomon: ito ay walang kabuluhan at paghahabol sa hangin. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay