Mabuti pa ang mga patay


Ecclesiastes 4:2 Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa;3 Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw.

Dahil sa kapighatian at kawalan ng kaaliwang kaniyang nakita sa paligid, pinuri ni Solomon ang mga patay. Ngunit mas maiigi pa rin ang hindi ipinanganak. Alam mong nasa mababang kalagayan ka kapag naisip mong mas maigi ang hindi pag-iral kaysa pag-iral. 

"Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa." Gaya nang marami kapag nahaharap sa mga pangyayari sa buhay na hindi nila maunawaan o makaya, mas maganda sa paningin ng tao ang kamatayan. Maraming iniisip na kamatayan ang solusyon dahil kapag patay ka na, matatakbuhan mo na ang anumang hinaharap mong kapighatian. Ayon kay Solomon, anumang kapighatiang naranasan ng isang tao, kapag siya ay patay na, mas mapalad siya sa mga nabubuhay pa na patuloy na makararanas ng kapighatian. Ang hindi naiintindihan ng mga tao (at walang indikasyong ito ay iniisip ni Solomon), kung ikaw ay mamatay na wala kay Cristo, ang kamatayan ay hindi kapaladan, sapagkat ikaw ay tutungo sa eternidad na walang Cristo. 

"Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw." Ngunit bakit ka titigil sa mga patay kung pwede namang hindi ka na pinanganak. Mas mabuti pa raw ang hindi pinanganak gaya ng mga naagas o hindi nabuo dahil hindi nila nakita ang masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw. Ilan ang nakakaugnay sa pakiramdam na ito? Kapag tayo ay mababa ang pakiramdam, ilan sa atin ang nahiling na sana hindi na lang tayo pinanganak? Nakakalimutan natin ang mga kasiyahan ng buhay, ang pag-ibig na nadiskubre, ang saya ng pagkakaibigan o ang tuwa ng tagumpay sa buhay. Mas totoo sa atin ang ating nararamdamang sakit kaysa mga kasiyahan ng buhay. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay