Isipin ninyo ang mga bagay na ito
Filipos 4:8 Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
Marami ang walang kapayapaan sa isipan at buhay dahil pinakakain nila ang kanilang kaluluwa ng mga bagay na nagdadala ng pag-aalinlangan at takot. Sa halip na punuin ang isipan ng mga negatibong bagay, narito ang mga bagay na dapat nating isipin. Maraming nakapuna na ang mga bagay na ito ay naglalarawan ng mga katangian ni Cristo. Ang pagninilay kay Cristo ay magdadala sa atin ng kapayapaan ng isipan.
Marami ring nakapansing ito ay halos kapareho ng paglalarawan ng Salita ng Diyos sa Awit 19 at 119.
"Katapustapusan, mga kapatid." Malapit nang matapos ni Pablo ang kaniyang mga habilin.
"Anomang bagay na katotohanan." Ang doktrina ay katotohanan at si Cristo ay katotohanan. Ang pagninilay sa Salita ng Katotohanan, Juan 17:17, at sa Katotohanan, Juan 14:6, ay magbibigay ng kapayapaan ng isipan. Sisiguruhin iyan ng Espiritu ng Katotohanan, Juan 14:17; 15:26; 16:33.
"Anomang bagay na kagalanggalang." Anumang bagay na honorable. Muli si Cristo iyan. Gayon din ang Salita ng Diyos ay kagalanggalang. Walang kasamaan o kamaliang makikita rito.
"Anomang bagay na matuwid." Si Cristo ay Matuwid, 1 Juan 2:1-2. Ang Salita ay katuwiran, Heb 5:13.
"Anomang bagay na malinis." Ang Salita ay dalisay, 1 Ped 2:2. Si Cristo ay dalisay, 1 Juan 3:3.
"Anomang bagay na kaibigibig." Pinatotohanan ito ni Job, Job 23:12. At sino ang kaibig-ibig higit kay Cristo, Mat 3:17? Ang Ama na mismo ang nagpatotoo niyan.
"Anomang bagay na mabuting ulat." Hindi pinaniniwalaan pero ang Salita ay mabuting ulat, Roma 10:16. Ang tanong ni Cristo ay kung mayroong makaaakusa sa Kaniya ng kasalanan at wala ni isa mang nag-ulat nang masama tungkol sa Kaniya, Juan 18:23.
"Kung may anomang kagalingan." Ang Salita ay ekselente, Fil 1:10. Si Cristo ay may ekselenteng pangalan kaysa mga anghel, Heb 1:4.
"At kung may anomang kapurihan." Kailangan pa ba nating patotohanan ito?
"Ay isipin ninyo ang mga bagay na ito." Ang mga bagay na ito ang dapat laging laman ng ating isipan.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment