Matuto, gumawa at magkaroon ng kapayapaan


Filipos 4:9 Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.

Sa Filipos 4:7, sinabi ni Pablo na ang sikreto sa pagkakaroon ng kapayapaan ay ang panalangin. Sa halip na mag-alala, ibigay sa Panginoon ang mga alalahanin. Sa v8 ang kapayapaan ay dumarating sa mga taong pinupuno ang isipan sa mga bagay na kapuri-puri at mabubuting ulat. Sa v9, sinabi ni Pablo na hindi sapat ang may impormasyon lamang kundi kailangang may aplikasyon. Marami ang tagapakinig, ngunit iilan ang tagatupad, San 1:22-25. Marami ang may mabuting layon, ngunit walang gawa, Fil 2:12-13. Maraming may doktrina ngunit hindi pinagpapala kasi hindi naman ginagawa, Juan 13:17. 

"Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin." Inilalagay ni Pablo ang kaniyang sarili (1 Cor 4:16; 11:1) bilang modelong maaaring maging gayahan ng mga taga-Filipos. Nawa lahat ng ministro ay masasabi ang ganitong mga pananalita. Ang kaniyang doktrina (natutunan at tinanggap), sa salita man o sa gawa (narinig at nakita), ay mga bagay na magdadala ng kapayapaan sa mga taga-Filipos, KUNG ito ay kanilang gagayahin at gagawin, "ang mga bagay na ito ang gawin ninyo." Hindi sapat na matutunan lamang natin ang limang hakbang sa kapayapaan; kailangan nating lakaran ang mga ito. 

"At ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo." Ano ang resulta? Ang Diyos ng kapayapaan ay "sasa inyo." Dahil sa ang Diyos ay nananahan na sa lahat ng mananampalataya sa sandali ng pananampalataya, ito ay tumutukoy sa manipestasyon ng pananahan ng Diyos. Isang bagay ang sabihing ang Diyos ay nananahan sa atin; ibang bagay ang makita ito ng hindi mananampalataya at sila ay magpatotoo, "Ang Diyos ay tunay na sumasa inyo." Kapag nakita ng mga hindi mananampalataya ang kapayapaan sa ating mga buhay, magsisiyasat sila kung bakit, at ito ang ating pagkakataong ibahagi si Cristo sa kanila. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay