Para kanino ka bumabangon?

Ecclesiastes 4:8 May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.

Ang sitas na ito ay isang tanong na dapat pagnilayan ng lahat ng workaholics. 

"May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man." Narito ang halimbawa ng isang workaholic. Wala siyang pamilya. Siya ay nag-iisa ngunit wala siyang tigil sa pagtatrabaho ng higit sa kaniyang kailangan. 

"Gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa." Sa kabila ng katotohanang wala siyang uuwian, wala siyang pinagtitipunan, ngunit wala pa rin siyang tigil sa paggawa. Hindi siya nagtatrabaho para sa pamilya, o sa kung anong layunin na mas mataas kaysa kaniyang sarili. 

"Ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan." Ang masaklap, sa kabila ng natipong kayamanan, wala siyang kasiyahan sa kaniyang kayamanan. 

"Dahil kanino nga, sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti?" Ito ang tanong na dapat itanong ng lahat workaholic. Para kanino ka nagtatrabaho?

"Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam." Ayon kay Solomon, ito ay walang kabuluhan at mahirap matanggap. Para saan ang pag-iisa kung walang babahagian? Sa mga susunod na sitas, ipakikita ni Solomon na mahalaga ang may kasama. Mas mabuti ang may kasama na kakaunti (mayroon kang babahagian) kaysa nag-iisang walang kasama. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay