Pupunan ng Diyos



Filipos 4:17 Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo.18 Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.19 At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.

Ayon kay Pablo, ang generosidad ng mga taga-Filipos ay gagantihan ng Diyos. 

"Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo." Nililinaw ni Pablo na hindi siya gaya ng iba na ang hanap ay salapi "kaloob." Sa halip mas interesado siya sa gantimpala "bunga" na dumadami dahil sa nagpapatuloy na generosidad ng mga Cristiano. Ang bawat sentimong ibinibigay sa gawain ng Panginoon ay pagtitipon ng kayamanan sa langit na sa tamang panahon ay may interes. 

"Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios." Bagama't hindi siya naghahanap ng kaloob, kinilala ni Pablo na ang kaloob ng mga taga-Filipos ay nagbibigay sa kaniya ng kasaganahan. Pinunan ng salaping ito ang kaniyang pangangailangan. Sa dibinong bahagi, ang kaloob ay nakalulugod sa Diyos. Sa mga palabasa ng Lumang Tipan, ang mga kaloob ay kinumpara sa handog na sinusunog na ang amoy ay kaaya-aya sa Diyos. 

"At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus." Dito na binanggit ni Pablo ang isa sa pinakainaabusong sitas. Hindi ito pangako ng name it and claim it prosperity gospel. Ito ay pangako na dahil generosong nagbigay ang mga taga-Filipos, ang Diyos ay papalitan ang generosidad na iyan. Pupunan ng Diyos ang bawat kailangan ng mga taga-Filipos ayon sa kayamanan ng Diyos sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus. Ito ay dapat magbigay sa atin ng kasiyahang magbigay sa gawain. Hindi tayo nawawalan. Ang Diyos ay may pampuno, (v29), at ito ay gumagawa sa atin ng dumadaming bunga (v17), samakatuwid, gantimpala sa Bema. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)






Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama