Biktima ng panahon



Ecclesiastes 3:17 Sinabi ko sa puso ko, Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama: sapagka't may panahon doon sa bawa't panukala at sa bawa't gawa.18 Sinabi ko sa puso ko, Dahil sa mga anak ng mga tao, upang subukin sila ng Dios, at upang kanilang makita na sila'y mga hayop lamang.

Dahil sa hindi si Solomon nakasumpong ng kasiyahan sa kayamanan, karunungan at alak, tinuon niya ang isipan sa pilosopiya at ang kaniyang paksa ay panahon at oras. Natanto ni Solomon na siya ay nakukulong sa panahon at dahil dito hindi niya maunawaan ang mga eternal na gawa ng Diyos. Nirekomenda niyang magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay. Ito ang tanging magagawa ng tao sa ilalim ng langit. 

"Sinabi ko sa puso ko, Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama: sapagka't may panahon doon sa bawa't panukala at sa bawa't gawa." Kinikilala ni Solomon na isang motibasyon upang magalak at gumawa ay ang katotohanang ang Diyos ang susuri sa ating gawa. Sa halip na gugulin ang oras sa paghanap ng mga tagong gawa ng Diyos, magsaya ka na lamang at gumawa, tutal pananagutan mo ang anumang iyong gagawin. Hindi nito inabot ang antas ng Cristianong moralidad na nananawagan ng pagagawa bilang repleksiyon ng ating posisyun kay Cristo ngunit walang mali sa aral na ito. Hindi nakapagtatakang ito ang tanging moralidad na pinanghahawakan ng mga hindi mananampalataya. 

"Sinabi ko sa puso ko, Dahil sa mga anak ng mga tao, upang subukin sila ng Dios, at upang kanilang makita na sila'y mga hayop lamang." Ayon kay Solomon, ang pagsusuri ng Diyos ay magpapakitang ang tao ay hayop lamang. Naniniwala siya sa Diyos at hindi niya tinuturo ang ebolusyon bagamat ang ideya ng ebolusyonismo ay makikita rito. Wala siyang nakikitang pagkakaiba sa tao at hayop. Matapos gumawa, pareho ang dalawang mamamatay. Ang pagkakaiba ay ang hayop ay sa lupa at ang tao ay sa gumawa sa Kaniya. Pero patay pa rin. Mas mabuti nang gumawa habang buhay dahil pag patay na wala ka nang pinagkaiba sa hayop. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay