Benediksiyon



Filipos 4:20 Ngayon nawa'y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.21 Batiin ninyo ang bawa't banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko.22 Binabati kayo ng lahat ng mga banal, lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar.23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu.

Sa wakas naabot din natin ang katapusan ng epistula. Nawa ay may natutunan kayo kahit paano. 

"Ngayon nawa'y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa." Dala ng kayamanan ng biyaya ng Diyos kay Cristo Jesus, napaawit si Pablo mg papuri sa Diyos. Lahat ng kaluwalhatian ay mapasa Ama.

"Batiin ninyo ang bawa't banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko." Puno ng pagbati ang kaniyang epistula. Binabati niya ang mga kapatid na sinulatan. Ang mga kapatid na kasama niya ay nagpapadala rin ng pagbati. 

"Binabati kayo ng lahat ng mga banal, lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar." Ang nakakagitla ay sa kabila ng pagkabilanggo, marami ang naligtas mula sa sambahayan ni Caesar. Dahil sa kaniyang pagkabilanggo, inabot niya ang mga taong hindi niya aabutin kung siya ay laya. Hindi mabibilanggo ang Salita ng Diyos!

"Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu." Sinimulan niya ang epistula sa biyaya at tinapos niya ito sa biyaya. Punong puno ang epistula ng biyaya at biyaya ang huling habilin niya sa lahat. 



(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay