Memorizing Scriptures: Mateo 9:6



Mateo 9:6 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao'y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi nga niya sa lumpo), Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong bahay.

Nang makita ng Panginoon ang isang lumpo na ito ay may pananampalataya, Kaniya itong pinatawad ng mga kasalanan. Ngunit hindi nagustuhan ng mga eskriba ang sinabi ni Jesus sa paniniwalang tanging ang Diyos lamang ang may karapatang magpatawad. Tama sila rito ngunit hindi nila kinikilalang si Cristo ay Diyos na nag-anyong tao. Upang ipakita sa lahat na may kapamahalaan siya sa lupa upang magpatawad ng kasalanan, nagtanong si Jesus kung alin ang mas madali- ang magpatawad ng kasalanan o magpagaling ng lumpo. Kahit sino ay maaaring magpatawad ng kasalanan dahil walang ebidensiyang ang kasalanan nga ay pinatawad. Ngunit mahirap ang magpagaling dahil kung magpagaling ka at mabigo, makikita ng lahat ang iyong kabiguan. Pinagaling ni Jesus ang lumpo upang ipakitang kaya Niya ring patawarin ang kasalanang hindi nakikita ng iba. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2