Dinggin at huwag pabayaan
Kawikaan 1:8 Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:9 Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg. Matapos sabihing ang takot sa Diyos ang pundasyon ng karunungan, sinundan ito ni Solomon ng dalawang utos na dapat sundin ng kabataan. Ang dalawang utos na ito ay 1) Dinggin ang turo ng ama; at 2) Huwag pabayaan ang kautusan ng iyong ina. Ang ama at ina ay madalas na gamitin ng Diyos bilang ahente ng karunungan. Samakatuwid bahagi ng pagkatakot sa Diyos ang sumunod sa mga ahenteng Kaniyang ginagamit upang turuan ang kabataan. "Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina." Kausap ni Solomon ang kaniyang anak, marahil si Rehoboam. Sinisikap niyang ituro ang kahalagahan ng pagsunod sa mga magulang. Ang salitang "dinggin" ay nangangahulugan ng pakikinig na may intensiyong sumunod. Hindi ito tumutukoy sa estimulasyon...