Isang Pag-aaral sa Juan 11:42
Basahin ang teksto (kung maaari ang buong kabanata) at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Juan 11:42 At nalalaman ko na ako'y lagi mong dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.
1. Sino ang nagsasalita sa tekstong ito? Sino ang Kaniyang kausap? Ano ang layon ng panalanging ito?
2. Sino ang "ko," "ako," "mo," "ikaw," at "sila" sa tekstong ito? Ang pagkakakilanlan ng mga panghalip na ito ay mahalaga sa pagkaunawa ng mensahe ng tekstong ito.
3. Sa konteksto ito ay binanggit ni Jesus bago Niya tinawag si Lazaro mula sa kamatayan. Paano ang himalang ito naging isang tanda sa aklat ni Juan (may pitong tanda sa aklat na ito.)?
4. Ang layon ng tandang ito ay hindi upang magbigay ng comfort sa namatayan (bagama't siguradong oo) o upang bawasan ang kalungkutang kaakibat ng kamatayan. Ano ang layon ng panalangin at ng himalang ito?
5. Ano ang relasyon sa pagitan ng himala, tanda, pananampalataya at buhay na walang hanggan? Tingnan ang Juan 20:30-31.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.
Comments
Post a Comment