Isang Pag-aaral sa Juan 6:58



Basahin ang teksto (kung maaari ay basahin ang buong kabanata) at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 


Juan 6:58 Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man.


1. Sino ang nagsasalita sa sitas na ito? Ano ang Kaniyang paksa?

2. Ano (o SINO) ang tinapay na bumabang galing sa langit? Paano naiba ang Tinapay na ito sa tinapay na kinain ng mga magulang sa ilang? (Para sa kaalaman sa tinapay na kinain ng mga magulang, bisitahin ang Exodo 16:1-36). 

3. Sa paanong paraan superyor ang Tinapay na galing sa langit kaysa sa tinapay na kinain ng mga magulang?

4. Ano kaya ang ibig sabihin ng "kumakain ng tinapay na ito?" Ano ang ibig sabihin ng "mabubuhay magpakailan man?"

5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ayon sa sitas na ito?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.







Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay