Isang Pag-aaral sa Gawa 4:12
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.
Gawa 4:12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.
1. Sino ang nagsasalita sa tekstong ito at sino ang kaniyang kausap? Ano ang paksa ng kanilang usapan?
2. Ayon sa tekstong ito, kaninong pangalan lamang makasusumpong ng kaligtasan?
3. Tama o mali.
3.1. Ang kaligtasan ay masusumpungan sa pangalan ng relihiyon.
3.2. Ang kaligtasan ay masusumpungan sa interbensiyon ni Maria o ng mga santo at santa.
3.3. Ang kaligtasan ay masusumpungan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga rito at ritwal ng relihiyon gaya ng bautismo, kumpisal, pag-aayuno o kumpirmasyon.
3.4. Ang kaligtasan ay masusumpungan sa pakikilahok sa mga pistang panrelihiyon o sa pangingilin ng mga mahal na araw.
3.5. Ang kaligtasan ay masusumpungan lamang sa pananampalataya lamang kay Cristo lamang.
4. Ayon sa teksto, maliligtas ba tayo ng sarili nating kabanalan o kabaitan (maliligtas ba tayo sa sarili nating pangalan?)?
5. Ayon sa teksto ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo at mabuting gawa (may kaligtasan ba sa pangalan ni Cristo at sa pangalan natin)? Tandaan sa Biblia ang pangalan ay tumutukoy hindi lamang sa kung paano tawagin ang isang tao kundi sa persona mismo. Ang maligtas sa pangalan ni Jesus ay ang maligtas dahil sa pananampalataya sa Persona ni Jesus.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.
Comments
Post a Comment