Memorizing Scriptures: Mateo 5:14



Mateo 5:14 Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.

Matthew 5:14
[14]"You are the light of the world. A city set on a hill cannot be hidden."

Lagi kong nakakalimutang i-update ang serye na ito. Pahingi ng paumanhin. 

Sa sitas na ito, itinuturo ni Cristo ang kahalagahan ng testimonyo sa ating paligid. Ang ating reputasyon ay ating puhunan sa ating pakikisalamuha sa mga tao sa paligid. Kung ang ating salita at gawa ay umaayon sa ating pinahahayag na pananampalataya, tayo ay ilaw ng sanlibutan. Paano? Nakikita sa ating ang Ilaw ng Sanlibutan na walang iba kundi si Cristo. Ngunit kung hindi Siya nakikita sa ating buhay tayo ay kadiliman sa mga tao sa ating paligid. Wala silang nakikitang ilaw at hindi nila makita ang tamang daan sa ating halimbawa. 

Ang ating goal ay ang mamuhay para kay Cristo sa paraang nakikita Ang Ilaw ng Sanlibutan na si Cristo. Sa liwanag ng ating pamumuhay, tayo ay nagbibigay tanglaw sa daan ng mga tao sa ating paligid. Ang ating testimonyo ay nakatutulong sa mga tao sa ating paligid na makitang sila ay nasa maling daan at maitama ang kanilang lakad. Ngunit kung tayo ay namumuhay sa kadiliman, anong laking kadiliman ang ating ilaw. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay