Isang Pag-aaral sa Juan 6:53-54



Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Juan 6:53 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.

54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.


1. Ano ang katotohanang sinasabi ni Jesus sa pasaheng ito? 

2. Ano kaya ang ibig sabihin ng pagkain ng laman at pag-inom ng dugo sa pasaheng ito? Tingnan ang v47 bilang paralel na pasahe. 

3. Paano raw magkakaroon ang tao ng buhay sa kaniyang sarili?

4. Ano ang matatamo ng kumakain ng laman at umiinom ng dugo? Punan ang mga patlang.

Siya ay may buhay na _________________

Siya ay _______________ sa huling araw. 

5. Dahil sa hindi tinuturo ng Biblia ang kanibalismo, malinaw na ang pagkain ng laman at pag-inom ng dugo ay isang tayutay. Ano ang nag-iisang kundisyong dapat matupad ng isang tao upang magkaroon siya ng buhay na walang hanggan sa kaniyang sarili?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay