Isang Pag-aaral sa Juan 6:68



Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong. 


Juan 6:68 Sinagot siya ni Simon Pedro, Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan.


1. Dahil sa pahayag ni Jesus na kailangang kainin at inumin ang Kaniyang laman at dugo upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, marami sa mga disipulo Niya ang umalis at hindi nagpatuloy na sumama sa Kaniya. Ano ang mga bagay na maaaring magtulak sa iyo palayo sa Panginoon?

2. Ngunit kahit maraming tumalikod, mayroon pa ring natira. Sa tingin ninyo, ang mga tumalikod kaya ay ligtas o hindi? Bakit oo at bakit hindi? Paano ang ating prekonsepsiyon maaaring makaapekto sa ating sagot?

3. Nang diretsong tinanong ni Jesus si Pedro kung gusto niya ring umalis, tumanggi siya. Ano ang mga dahilan kung bakit pipiliin mong magpatuloy na lumakad kasama Niya?

4. Ano ang patotoo ni Pedro patungkol sa buhay na walang hanggan? Saan daw ito masusumpungan? 

5. Tama o mali.

5.1 Ang mga salita ng buhay na walang hanggan ay masusumpungan sa simbahan.

5.2 Ang mga salita ng buhay na walang hanggan ay masusumpungan sa mga ritwal at rito ng relihiyon.

5.3 Ang mga salita ng buhay ay masusumpungan sa pamunuan ng relihiyon. 

5.4 Ang mga salita ng buhay ay masusumpungan kay Pedro.

5.5 Ang mga salita ng buhay ay masusumpungan kay Pablo.

5.6 Ang mga salita ng buhay ay masusumpungan kay Cristo lamang. 

6. Ano ang tinuturo nito tungkol sa buhay na walang hanggan?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay