Isang Pag-aaral sa Gawa 10:43
Basahin ang teksto (at kung maaari ay buong kabanata) at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Gawa 10:43 Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
1. Maraming tao ang nagsasabing upang maligtas, kailangan mong maging matuwid, magdasal lagi at magbigay ng abuloy. Ang lahat ng mga ito ay ginagawa ni Cornelio ngunit malinaw na walang tao ang maliligtas sa kaniyang sariling gawa (Tito 3:5; Efeso 2:8-9: Roma 4:1-8), sapagkat kung oo, hindi na si Cornelio susuguin ng angel upang ipasundo si Pedro, Gawa 11:14. Kung sapat na ang mabubuting gawa upang maligtas ang tao, bakit kailangan pa ang biyaya ng Diyos at kamatayan ni Cristo? Silipin ang Gawa 2:21 at Roma 11:6 para sa sagot ni Pablo sa tanong na ito.
2. Paano kumikilos ang Diyos upang ihanda ang taong positibo sa Kaniyang salita at ihanda ang taong gagamitin Niya para ibahagi ang mensahe ng buhay na walang hanggan?
3. Sinaysay ni Pedro ang kaniyang mensahe, at marami ang nakapansing ito ay kapareho ng pasunod-sunod sa evangelio ni Marcos. Malaki ang posibilidad na natutunan ni Marcos ang kaniyang evangelio mula kay Pedro dahil sila ay minsang nagkatrabaho sa ministri , 1 Pedro 5:13. Base sa pagkakaparehong ito, ano kaya ang mabuting balitang nais ni Marcos na maunawaan ng kaniyang mambabasa?
4. Ayon sa v43, ano raw ang makakamit ng nagsisisampalataya kay Jesus? Bakit hindi ito natamo ni Cornelio nang siya ay nagsasarelihiyon sa unang bahagi ng kabanatang ito?
5. Kanino raw pangalan masusumpungan ang kapatawaran ng mga kasalanan? Paano ito matatamo?
6. Tama o mali.
6.1. Matatamo ang kapatawaran sa pamamagitan ng relihiyong ipinangalan kay Cristo
6.2. Matatamo ang kapatawaran sa pamamagitan ng relihiyong itinatag ni Pedro (kung meron man).
6.3. Ang kapatawaran ng kasalanan ay matatamo sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aabuloy at katuwiran ng tao.
6.4. Ang kapatawaran ng kasalanan ay matatamo sa mabubuting gawa.
6.5. Ang kapatawaran ng kasalanan ay matatamo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.
Comments
Post a Comment