Isang Pag-aaral sa Juan 11:25




Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Juan 11:25 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;

26 At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?


1. Paano ipinakilala ni Jesus ang Kaniyang sarili kay Martha?

2. Ang sinabi ni Jesus na "Ako ang pagkabuhay na maguli at ang Kabuhayan" ay isa sa mga kasabihang "Ako nga" ni Jesus. Ano ang signipikansiya ng mga kasabihang "Ako nga" na ito? Ano ang kaugnayan nito sa pagpapakilala ng Diyos kay Moises bilang "Ako ay si Ako nga?"

3. Ayon sa v25 ano araw ang mangyayari sa sumasampalataya kay Cristo? 

4. Ano kaya ang ibig pakahulugan ni Cristo sa sinabi Niya sa v26?

5. Ano ang nag-iisang kundisyong hinihingi ng teksto upang magkaroon ng buhay at huwag mamatay magpakailan man?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay