Memorizing Scriptures: Mateo 7:24



Mateo 7:24 Kaya't ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato.

Matthew 7:24[24]"Therefore everyone who hears these words of Mine and acts on them, may be compared to a wise man who built his house on the rock.

Hindi sapat ang dumalo ng lingguhang pag-aaral ng Biblia at makinig. Kailangang ito ay unawain, isapuso at isagawa. Ito ay dapat pakinggan at ganapin. Samakatuwid dapat makita sa ating mga buhay ang mga bagay na ating pinag-aaralan. Halimbawa kung pinag-aaralan natin ang pagpapatawad sa kapwa ngunit nagtatanim ng galit sa kapatid, nangangahulugan itong walang aplikasyon ang pinag-aralan. Ito ay katulad ng taong nagtayo sa buhanginan. Kapag dumating ang bagyo ng buhay, bumibigay. Ilang Cristianong nagtatanim ng galit sa kapwa at hindi marunong magpatawad ang nahiwalay sa Panginoon?

Ang nakikinig at gumaganap ng aral ay nagtatayo sa batuhan. May matibay at hindi nagagalaw na pundasyon. Kapag dumating ang bagyo ng buhay, siya ay matatag na haharap dahil pinalakas ang kaniyang kaluluwa ng Salita ng Diyos. Mapapansin ng mga hindi mananampalataya ang katatatagang ito at sila ay mapapatanong, "Ano ang inyong sikreto?" Ito ang ating pagkakataon upang ibahagi si Cristo. 

Tayo ay mga aklat na binabasa ng mga tao sa paligid. Ang tatag ng ating buhay na nakatayo sa pundasyon ng Salita ng Diyos ay isang mensaheng malinaw na mababasa ng lahat. Huwag tayong maging tagapakinig lamang ng Salita; magi tayong tagatupad din. Ang pumasok sa kaliwang tainga ay huwag nating hayaang lumabas sa kanan nang hindi bumabaon sa ating isipan.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay