Isang Pag-aaral sa Gawa 8:37
Basahin ang teksto (kung maaari ay ang buong kabanata) at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Mga Gawa 8:37 At sinabi ni Felipe Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios.
1. Sino si Felipe? Ano ang mga pangyayaring naging dahilan upang magsanga ang landas nila ng Etiopeng bating?
2. Sa naratibong ito binabasa ng Etiopeng bating ang isang bahagi ng propesiya ni Isaias. Ano ang sinasabi nito sa kakayahan ng Lumang Tipang magturo sa sinumang positibo na manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan?
3. Pinaliwanag ni Felipe sa Etiopeng bating na si Isaias ay sumusulat patungkol sa Cristo at sa patotoo ng bating mismo siya ay nanampalataya. Lahat ng ito ay nangyari bago siya humiling ng bautismo sa tubig. Ano ang implikasyon nito sa relasyon ng bautismo at kaligtasan? Kailangan bang mabautismuhan ang tao upang maligtas? Kung ligtas na ang bating, bakit siya humihiling na mabautismuhan?
4. Ang naratibong ito ay nagpapakita na naliligtas ang tao kahit walang bautismo dahil nanampalataya ang bating bago siya magpabautismo. Makikita ang parehong pangyayari sa karanasan ni Cornelio. Sa inyong palagay, bakit hirap ang mga taong manampalataya lamang kay Cristo lamang nang hiwalay sa mga gawa gaya ng bautismo?
5. Ano ang nag-iisang kundisyong kailangan upang ang tao ay magkaroon ng buhay na walang hanggan?
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.
Comments
Post a Comment