Isang Pag-aaral sa Juan 7:38



Basahin ang mga sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Juan 7:38 Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.

39 (Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: sapagka't hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu; sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.)


1. Sino ang nagsasalita sa tekstong ito? Sino ang Kaniyang kausap?

2. Ayon kay Jesus, ano raw ang sinasabi ng Lumang Tipan tungkol sa sumasampalataya sa Kaniya?

3. Ano ang ibig sabihin ng "mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay?"

4. Ano raw ang tatanggapin ng mha magsisisampalataya sa Kaniya?

5. Ang pinakamahalagang tanong: nananampalataya ka ba kay Jesus para sa buhay na walang hanggan? Tinanggap mo na ba ang Espiritu Santo?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.




Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama