Isang Pag-aaral sa Juan 8:46
Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Juan 8:46 Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan?
47 Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios.
1. Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap sa tekstong ito? Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan?
2. Paano ipinakita ng mga kausap ni Jesus ang pagtakwil ng mga ito sa Kaniya?
3. Ayon mismo kay Jesus, ano ang dahilan kung bakit tinatakwil (hindi sinasampalatayahan) ng mga tao si Jesus?
4. Ano ang dahilan kung bakit hindi dinirinig ng mga tao ang salita ng Diyos? (v47). Ano ang bahagi ni Satanas sa pagtakwil na ito (tingnan ang v48).
5. Ano ang hinihingi ng tekstong ito tungkol sa buhay na walang hanggan na tinatakwil ng mga tao?
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.
Comments
Post a Comment