Posts

Showing posts from August, 2025

Keep it simple but accurate

Image
  Minsan nagbibigay ako ng essay assignment sa aking mga estudyante. Ito ang pagkakataon nila upang iorganisa ang kanilang ideya patungkol sa isang paksa at isulat ito sa sistematikong presentasyon.  Ngunit usually, sa kagustuhang magkaroon ng mahabang essay (as if length determines grades), paikot-ikot lang ang estudyante da kaniyang sanaysay. Yung thesis statement ay irere-state lang sa ibang porma without development. Then papasakan ng napakaraming unnecessary adjectives, conjunctions at  clauses.  Sa katapustapusan I end up reading an essay that is arguing about nothing.  Malungkot na ganito rin sa ating mga churches.  Let me give some examples.  We have preachers teaching salvation is by faith alone. Then in the same breathe will say but the faith that saves is not alone. Then they will spend minutes (and even hours kung sermon series) arguing that you're saved by faith alone but if you're faith is alone, you're not saved. Huh? Is it faith alone o...

Happy because grateful

Image
  Christians should be the happiest people in the world. Knowing that you have eternal life, a Father-son relationship with the Creator of the universe and assured of eternal companionship with Christ are reasons enough to be happy. Yet when I look around, Christians are some of the most unhappy people I saw. They are mean, legalistic and judgmental. They don't have inner peace. Rather than demonstrating joy and peace, they're demonstrating outbursts of anger and wars. No wonder James wrote chapters 3 and 4 of his epistle.  Bakit? Maraming dahilan but one of them is Christians are simply ungrateful. Sa halip na pasalamatan ang Diyos sa lahat ng binigay Niyang hindi tayo deserved (grace) at magpasalamat sa mga bagay na hindi Niya ginawa kahit deserved (mercy), ang mga Cristiano ay nagrereklamo.  The reason is like Peter, we took our eyes off the Lord and start looking around us. Napansin nating sa unos ng buhay, ang masasama at hindi mananampalataya ay umaasenso. And we ar...

Stand up, huwag iyakin

Image
  The present age is defined as this present evil age. Wether we like it or not, we're in a war and if we're not prepared, we'll be a casualty.  Sa halip na umiyak, huwag tayong maging iyakin, tayo ay dapat maghanda. Kailangan nating ihanda ang sarili natin upang tumindig sa araw ng digmaang espirituwal.  Paano natin ihahanda ang sarili natin para sa espirituwal na labang ito?  Gamit ang metapora ng pagsusuot ng espirituwal na baluti, hinayag ni Pablo ang nararapat na paghahanda sa araw ng pagsubok.  Kailangan nating mag-aral ng katotohanan. Ang katotohanan ay masusumpungan sa Salita ng Diyos sapagkat ito ang magbibigay sa atin ng kakayahang isabuhay ang Cristianong pamumuhay. Ito ang sinturon ng katotohanan.  Hindi makapamumuhay nang may kabanalan ang taong namumuhay sa kasinungalingan.  Kailangan natin ng praktikal na kabanalan. Tayo ay matuwid dahil sa pananampalataya kay Cristo ngunit kailangang maipakita ang kabanalang ito sa pang-araw-araw na pam...

7 days without God makes one weak

Image
  Madalas kong marinig sa mga sermons na binigyan ng Diyos ang tao ng anim na araw para sa kaniyang sarili at isang araw para sa Kaniya. I disagree. Although the sermon means well, ito ay nag-e-encourage ng religionism, na hindi mahalaga kung paano ka namuhay sa loob ng isang linggo- ang mahalaga ay nasa simbahan ka kapag Linggo.  Tinuturo nito ang artipisyal na dibisyon sa pagitan ng sekular at espirituwal (I have criticized this distinction before in my blogs). In-encourage din nito nito ang pagiging judgmental laban sa mga hindi nagsisimba kapag Linggo. After all, hindi nagawa ng mga kapatid na ibigay ang isang araw (na usually tinatawad pa sa sermon bilang isa o dalawang oras) para sa Panginoon.  Sa halip naniniwala akong lahat ng pitong araw ay para sa Diyos- anim na araw upang gawin ang mga kalooban ng Diyos sa labas ng simbahan at isang araw (o isa o dalawang oras) upang pag-aralan ang kalooban ng Diyos na isasapamuhay sa buong linggo. Samakatuwid ang anumang pinag...

So busy in life you're unaware you're in the middle of a war

Image
  Tayo ay nasa gitna ng isang digmaan, isang digmaang ang kasangakapan ay hindi baril o bomba, at ang target ay hindi teritoryo o resources. Tayo ay nasa gitna ng isang espirituwal na digmaan at ang pinaglalabanan ay ang ating mga kaluluwa. Sino ang hahayaan nating kumontrol sa ating mga isipan at buhay?  Ang sanlibutan ay sinisikap na ilayo tayo sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga ideyang kinakalat sa pamamagitan ng mga eskwelahan, ng media, ng social media at ng pamahalaan, pinakikilala tayo sa nga kaisipang sanlibutan.  Hindi mo mabubuksan ang iyong telebisyon o Facebook nang hindi sinasampal saiyo ang same sex ideology. Puspusan ang sanlibutan sa pag-indoctrinate sa lahat na ang mga pamantayan ng Biblia ay laos na. Ito ay para sa mga nabuhay noong unang panahon ngunit hindi para sa mga nabubuhay sa 21st century moderns.  Tapos magtataka tayo kung bakit tumataas ang bilang ng HIVs, abortions, suicides, crimes, atbp social ills na direktang resulta ng pagtapon ng mga s...

Rest in God

Image
  2 Corinto 12:9 At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.10 Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas. "Bakit ko pinagdaraanan ang mga nangyayari sa aking buhay?" Hindi ikaw ang unang nagtanong ng ganiyan. Sooner or later mapapatanong ka kung ikaw ba ay kinalimutan ng ng Diyos, o kung sini-single out ka ng Diyos o kung hindi na kontrolado ng Diyos ang nangyayari sa ating paligid.  Obviously, hindi ko masasabi kung ano ang purpose ng Diyos sa iyong buhay. Pero isa sa mga posibleng dahilan ay nilagay ka ng Diyos sa isang sitwasyong hindi mo kaya, na tanging Siya lamang ang makakasolusyon, up...

You are my home

Image
  You are my home. Matamis pakinggan. Assuring sa nagsasalita.  When you're facing the world and the world seems to be against you, it is assuring to know na mayroon kang uuwian.  May lugar kung saan mayroon kang lugar. May lugar kung saan pwede kang umiyak nang may magko-comfort sa iyo. May lugar kung saan pwede kang magpahayag ng iyong tagong-tagong saloobin nang walang judgment. Mayroon kang home.  Bawat isa sa atin ay nangangailangan ng at least tatlong tahanan. Una we need a family home. Kailangan nating madama na tayo ay tanggap ng ating mga pamilya. Kailangan natin ng assurance na no matter what your family is backing you up.  Ang nakalulungkot ay, kahit pa sa mga Cristianong pamilya, ang kalaban ng isang tao ay ang kaniyang pamilya. Walang domestic harmony and unity. Everyone for himself. Everyone against everyone.  It is hard to grow in an environment like this. It is possible but it is hard. It needs grit.  Secondly, kailangan natin ng church...

It hurts

Image
  Hindi ko alam kung ano ang inyong pinagdaraanan pero isang bagay ang aking alam - you're not alone and you can never be alone- God is with you in your suffering.  Hindi ko alam kung bakit ka dumaraan sa pagdurusa- kung ito ba ay for blessing or divine discipline. But one thing na alam ko- God has a reason and if we're willing to submit, it is for our benefits. Automatic reaction natin kapag nahaharap sa mga painful experiences ay ang tumakbo palayo at magtago. Ang natural nating reaksiyon ay magreklamo at sisihin ang mga tao sa ating paligid.  Hindi mo kailangang maging Bible scholar upang ma-realize na ito ay counter-productive. Kahit ang mga taong walang alam sa Biblia ngunit mga experts sa productivity ay magsasabing kung may time ka para mag-tantrum, that time is better used for looking for a solution.  Minsan iniisip nating iniwan na tayo ng Diyos. Iniisip nating naglalakad tayong mag-isa sa kadiliman ng ating buhay.  Let us resist that kind of thinking. ...

Anger and pride go together before a fall

Image
  May righteous anger (marami na akong blogs na nasulat dito, sa Eph 4, kay Jesus sa John 2 at kay Samson and the jawbone of an ass). Pero hindi mo ako mapapaniwalang ang persistent anger ay godly.  Malinaw si Santiagong ang galit ng tao ay hindi makatutupad ng katuwiran ng Diyos. Ayon kay Pablo, ito ay bunga ng laman, isang palatandaan ng panahong lalong sumasama. Ito ay diskwalipikasyon para sa isang matanda ng simbahan.  Ang taong laging galit ay senyales ng pusong hati- sa pagitan ng Diyos at ng kaniyang laman. Dahil hindi buo ang kaniyang puso (integrity means a whole, unified person), nagmamanipesta ito sa kaniyang pamumuhay. Lahat ay alam ito. Kahit hindi palabasa ng Biblia ay nakakaalam na ang pagiging magagalitin is a flaw. It is a sign that someone is not living with and in grace.  Maraming anger management programs, ngunit kung ang pokus ay sa panlabas at hindi pagbabagong panloob, ito ay katumbas ng paggamot ng sintomas at hindi ng mismong sakit. Maraming...

A church without a children ministry is a dying church

Image
  Kahapon (Aug 2, 2025), nagkaroon kami ng oportunidad na mag-share ng gospel sa Amoguis. Thanks Roxsan sa pag-invite sa amin na ma-meet ang iyong family.  Nagkaroon ng dalawang hiwalay ngunit sabay na sessions- sa mga matatanda binahagi ko ang mensahe ng buhay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo lamang at ang mga young people sa pangunguna ng youth president na si Kenneth at ng kaniyang first lady, si Mary Rose (hehe), ang nagturo sa mga bata. This reminds me ng kahalagahan ng pagtuturo sa mga bata habang maliliit pa ng Salita ng Diyos. A church without a functional children ministry is a dying church.  Hindi mo kailangang maging Bible scholar o theologian upang maunawaan ito. Gaano man kalaki ang iyong simbahan, kung ito ay puro matatanda na, sa sandaling ang mga ito ay yumao o sumakabilang buhay na, sino ang matitira sa simbahan?  Ang mga bata ang lifeblood ng simbahan. Sila ang papalit sa atin sa sandaling tayo ay wala na. Kung hindi natin aabutin ang mg...

Be thankful for His grace and mercy

Image
  Lahat tayo ay dumaraan sa mga sandali ng pagsubok. To be human is to undergo suffering.  Ngunit kung tayo ay magiging tapat, mas marami pa ring kabutihang tinatanggap tayo. Sa biyaya ng Diyos marami Siyang pagpapalang binibigay na hindi tayo karapatdapat. At sa kaparehong diwa maraming masasamang bagay ang pinipigilan Niyang dumapo sa atin. By this time, sa edad natin, I trust may sapat kayong kaugnayan sa Panginoon para ma-realize ito.  Ang mga bagay na dumarating sa ating buhay ay sinala ng kabutihan ng Diyos. Hinayaan Niya itong dumapo dahil mayroon tayong matutunan. Either matutunan nating ang Kaniyang grace is sufficient even in suffering or matutunan nating there are consequences to our wrong choices form position of weakness.  Dahil dito, ano ang tamang attitude ng isang Cristiano? Be thankful. Magpasalamat tayo na kahit gaano pa kasama ang nangyayari sa atin (in our own estimation), it could have been worse were it not for God's grace and mercy.  From ...

You don't know what's going on and you're judging me in front of everyone?

Image
  May nga taong to make himself feel better ay kailangan niyang ipamukha ang kaniyang kabanalan sa iba. That means judging others for their "failure" to do righteousness (which in reality is his own personal preference and standards, not God's). May mga taong tila ayaw nang bumangon (Sorry Nescafe) yet lumalaban pa rin ng patas. Ginagawa ang lahat, despite their disadvantages na magsumikap at maglingkod sa Diyos.  Nakakairita ang makita ang self-righteous na taong hatulan ang mga taong nagsusumikap kahit mahirap.  Alam ba ng taong itong sa likod ng mga ngiti ay matinding kalungkutan? Alam ba ng mapagmataas na taong ito na ang kausap niya ay maraming hinaharap na problema at sa totoo lang ay hiwalay sa biyaya ng Diyos, ewan kung matugunan ang pangangailangan at makapagtapos ng pag-aaral?  Just because may titulo ka at ang kausap mo ay kabataan, hindi ito nagbibigay ng pahintulot na alimurain mo siya at ipagkalat pa sa iba ang kaniyang kabiguan.  Ang tanong: ano a...