Haligi ng Tahanan
Kahapon sinulat ko ang isang blog na pumupuri sa aking misis. Dito naman tingnan natin ang role ng lalaki bilang haligi ng tahanan.
Ang pinakaunang dapat malaman ng isang Cristianong asawang lalaki ay siya ang lider ng kaniyang sambahayan. Hindi lamang siya provider, in fact ito ay secondary function lamang. Ang primary function ng lalaki ay maging head ng household. Una siya ang spiritual head at siyang dapat magdala ng kaniyang pamilya sa pagkakilala at paglago sa pananampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. Ikalawa siya ang head na maglalatag nh polisiya at direksiyong dapat tahakin ng pamilya. Nakasalalay sa kaniyang vision ang tagumpay ng pamilya.
Ikalawa, ang ama ang pangunahing instructor at disciplinarian sa pamilya. Contrary sa culture kung saan ang instruction ay nilagay sa paanan ng nanay, ang ama ang pangunahing guro at tagapagsanay ng pamilya sa kabanalan. Dapat makita sa kaniya ang halimbawa ng pagiging mabuting ama. Ang isang pamilyang walang functional na ama ay kagaya ng katawang walang ulo- walang buhay. Ang tagumpay at kabiguan ng ating pamilya ay nakasalalay sa ating mga kamay.
Ikatlo, tayo ang provider ng pamilya. Isang pribilehiyo para sa ting gamitin ng Diyos bilang channel ng Kaniyang logistical grace. Sa pamamagitan ng ating mga kamay, maibibigay natin ang pangangailangan ng ating mga pamilya. Ngunit pakatandaan na ang pera ay kinakalawang at ang kayamanan ay nawawala. Huwag tayong magpakalulong sa pagtatrabahong nakalimutan natin kung para saan tayo nagtatrabaho.
Ikaapat tayo ang kanilang balikat na iiyakan. Anuman ang kahinatnan ng ating pamilya, gaya ng mabuting ama sa parabula, tayo ay naghihintay sa ating mga alibugha. Makikinig sa kanilang mga hinaing, absorber ng kanilang frustrations at cheer leader pagdating sa encouragement. Tayo ang daang kanilang tatahakin pabalik kapag sila ay nagrereorient sa buhay.
Tayo ang defender ng pamilya. Hindi lamang tayo tagapakain ng kawan. Tayo rin ang tagataboy sa mga lobo at sinuman at anumang nagnanais na magwasak nito. Ibinigay ni Cristo ang Kaniyang sarili para sa Simbahan. Dapat lamang na handa rin tayong ilatag ang ating mga buhay para sa ating pamilya.
Ang ating pagkaama ay naka-pattern sa pagka-Ama ng Diyos. Huwag nating kalimutan at sayangin ang pribilehiyong ito.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment