Drop the stress
1 Pedro 5:7 Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.
"O what peace we often forfeit, O what needless pain we bear, All because we do not carry, Everything to God in prayer."
Marahil nakanta na ninyo sa simbahan ang kantang ito. Bihira itong kantain sa aming simbahan pero kung isasapuso ito ng bawat Cristiano, ang buhay ay mas magiging magaan.
Marami sa ating nagbubuhat needlessly ng ating mga kabalisahan samantalang ang Panginoon ay naghihintay na ipasa ito sa Kaniya.
Kung bubuhatin natin ang mga kabalisahan ng buhay sa sarili nating lakas, igugupo tayo nito. On our own, hindi natin kaya ang pinagsamang pwersa ng sanlibutan, ng laman at ng diablo.
Ngunit kung tayo ay lalapit sa ating Panginoon in prayer, matutuklasan nating greater is He that is in us that he that is in the world. Gaya ng isang ilustrasyon, kung tayo ay makikipamatok kasama ng Panginoon, magaan ang Kaniyang pasanin.
Madalas dahil sa pride or unbelief, sinosolo natin ang ating mga pasan. Ang mga ito ay dinesenyo upang tayo ay lalong lumapit sa Kaniya, hindi upang maging independent.
Anumang mabigat na pasanin ay gumagaan kung may katuwang. Ang tatlong ikot na pisi ay hindi mapuputol.
Maraming beses tayo ay dumaraan sa mabigat na pagsubok. Napapatanong tayo kung bakit tayo binayaan ng Diyos. Ngunit kung lilinisin natin ang ating paningin, pasan tayo ng Diyos. Baba nga lang tayo ng baba dahil gusto nating buhating mag-isa ang mga pasanin.
Ilagak mo ang iyong kabalisahan sa Diyos. Siya ay nagmamalasakit sa iyong kabutihan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment