Going to College
Dumating na ang panahong kinatatakutan ng mga magulang- mawawalay ang anak upang mag-aral ng kolehiyo. Gusto ko sanang pigilan ang aking anak ngunit ayaw kong maging balakid sa kaniyang pangarap, at higit sa lahat, sa disenyo ng Diyos para sa kaniyang buhay.
Mabigat sa loob, nakakatakot, nakakalungkot. Biro ko nga sa misis ko, siya na lang umalis, mag-stay si Naomi. Pero in the end, kailangan naming mag-asawang magtiwala sa Diyos at ilagay si Naomi sa pag-iingat ng Ama.
Mabuti na lamang at mayroon na tayong advance communication tools and equipments. Kahit papaano makakaibsan sa pag-aalala at pagka-miss ang Facebook video at audio call.
Sa pag-alis ng aking anak na panganay, narito ang ilang huling habilin mula sa amang nagmamalasakit.
Una, saan ka man pumaroon, huwag mong kalilimutan ang ating Diyos. Higit kailan man, kailangan mong maalala ang koro ng iyong pagkatao - ikaw ay anak ng Diyos dahil sa pananampalataya lamang kay Cristo lamang (Juan 1:12; 3:16; 6:47; Gawa 16:31). Malayo ka man sa aming paningin, ang Ama natin sa langit ang mag-iingat sa iyo ng pag-iingat na hanggang imagination lamang namin. Huwag mo Siyang kalilimutan. Buksan mo at basahin at tuparin ang Kaniyang Aklat. Manalangin ka lagi. Humanap ka ng ibang mga mananampalataya upang hindi ka nag-iisa.
Ikalawa, huwag mong kalimutan ang iyong pamilya. Narito lang kami lagi, nag-aalala, nagdarasal, umaalalay. Huwag mo kaming kalimutang tawagan. Lagi mo kaming i-update. Alalahanin mong gaano man kalakas ang hampas ng tubig, ang dugo ay mas matimbang pa rin.
Kapag ang relasyon ay hindi lamang dugo kundi espirituwal, mas lumalakas ang pamilya.
Huwag mong kalimutan ang dahilan kung bakit ka aalis- aalis ka upang mag-aral at pagbutihin ang iyong sarili. Huwag kang magpadala sa tukso ng panahon. Huwag kang magpadala sa masamang impluwensiya ng mga barkada, sa droga, sa alkohol at kung anu-anong bisyo. Isipin mong anumang iyong haharapin ay para sa iyong ikabubuti. Isipin mong may pamilyang nag-chi-cheer sa iyong makatapos. Sa iyong pagbabalik, mas mabuti kang tao.
Huwag mo ring kalimutang maglibang. All work with no play makes a person a dull girl. You're a strong, independent woman. I am sure you're fully capable na maghanap ng libangan at kasiyahan nang hindi nagdadala ng kahihiyan sa Diyos at sa pamilya. Tiwala akong hindi mo hahayaan ang enjoyment na makahadlang sa iyong pangarap.
Huwag mong kalimutan ang sambahayan ng Diyos. Ang simbahan ay nananalangin para sa iyong kaligtasan mula sa kapahamakan. Diyan sa paaralan mo, maghanap ka ng like-minded Christians na makaka-fellowship. Iba pa rin ang nasa gitna ng bayan ng Diyos.
Make new friends. Everything becomes easier when you have friends. Pero pumili ka ng mga kaibigang hihila sa iyo paitaas at hindi paibaba. Always remember, bad company corrupts good habits.
Magi kang ilawan sa iyong pupuntahan. Makita nawa sa iyo ng iyong mga board mates, mga kaklase at magiging bagong kaibigan ang realidad ng paghahari ni Cristo sa iyong buhay, 1 Ped 3:15.
Kung mayroon kang tanong o kung kailangan mo ng maiiyakan, remember narito lang kami. Magulang ang tanging taong masaya kapag sila ay nahigitan ng mga anak.
Ganbatte Naomi-Chan!
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment