Watch out for leaks
Kawikaan 4:23 Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay.
Araw-araw tayo ay nalulunod sa impormasyon at hindi lahat ay maka-Diyos. Ang Biblia at ang Sanlibutan ay umaagaw sa ating atensiyon.
Ang puso ang pinakakoro ng ating pagkatao. Mula sa puso dumadaloy ang (mga isyu ng) buhay. Kung ano ikaw kapag walang ibang nakatingin, iyan ang tunay na ikaw at iyan ay masusumpungan sa iyong puso.
Kung hahayaan natin ang sanlibutang pasukin ang ating mga puso, pretty soon we'll think like the world. We'll love what the world loves, like what the world likes and we'll be indistinguishable from wordlings. We need the Word of God to counter the effort of the world to mold us to its thinking and priorities.
Gaano man kalason ang mga ideya ng sanlibutan, hindi tayo malalason malibang hayaan nating pasukin nito ang ating mga puso.
Paano natin ito maisasagawa? Expose yourself to the Word of God. Maging bahagi ng isang lokal na pagtitipon ng mga Cristiano at magpasakop sa awtoridad ng isang pastor-teacher na magtuturo sa iyo ng buong konseho ng Diyos.
Ngunit hindi sapat ang isang beses sa isang linggong pag-aaral. Kung kakain ka lamang ng isang beses sa isang linggo, ikaw ay manghihina at mamamatay espirituwal. Kailangan mo itong dagdagan ng personal na pag-aaral ng Biblia sa iyong sariling oras.
Makipag-usap sa mga Cristianong may parehong isip. We are part of a community and discussing doctrine will sharpen you as iron sharpens another iron.
Read books. Maraming Free Grace materials that can be downloaded for free from the Internet. Read for your own growth.
Listen to online sermons. Again, maraming Free Grace materials available online. Sa panahon ng interconnectedness, walang excuse ang sinumang maging ignorante ng Salita ng Diyos.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment